Pinay binawian ng buhay sa Kuwait International Airport

Share this:

Pinay binawian ng buhay sa Kuwait International Airport

Dalawang araw ang nakaraan, lumabas sa mga online Arabic News na may isang Filipina na namatay sa Kuwait International Airport.

Pauwi na sana siya sa Pilipinas via Bahrain sakay ng Gulf Airlines. Nagsuka at nagcollapse si Kabayan sa loob ng eroplano.

Agad-agad siyang inasikaso ng crew ng eroplano at dinala sa clinic sa airport. Ngunit sa kasamaang palad hindi na umabot ng buhay si Kabayan.

Dinala ng authorities ang katawan ni Kabayan sa Medical Forensic para mairecord at malalaman ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Patnubay Note:

Bago pa lumabas ang kwento sa mga Arabic News, nakatutok na noong nakaraang weekend pa, ang Medical Response Team ng ating Embahada at na-inform na rin nila ang pamilya ni Kabayan.

Si Kabayan ay isinilang noong 1964.

Kami po ay nakikiramay sa pamilya ni Kabayan, na kapwa namin OFW. May she rest in Peace.

Arabic News Sources

Share this: