300 OFW sa Cagliari sumama sa prosesyon laban sa karahasan at deskriminasyon sa mga Asyano, na inaakusahan na nagdadala ng Coronavirus

Share this:

Pebrero 13, 2020
Cagliari, Italy

Ipinakita ang pagkakaisa ng 300 OFW para sa Pinoy waiter na biktima ng pangbubugbog, dahil napagkamalan itong Tsino na may coronavirus.

Dala-dala nila ang mga banners at placards na nakasulat ang pagsi-simpatiya para sa 30 anyos na bikitma na ilang taon nang naninirahan sa bayan ng Assemini (Cagliari).

Ang prosesyon ay pinangungunahan ni Mayor Sabrina Licheri, para ipakita ang pagkakaisa, para kay Demetrio “Deniz” Elida, ang Pinoy na biktima sa pangbubugbog noong Pebrero 6, 2020

Bago siya nabugbog, pang-iinsulto na mga salita muna ang natanggap ni Deniz mula sa tatlong nanakit sa kanya. “Isa kang Tsino na nagdadala ng Coronavirus” saka siya binugbog.

Nagkakaisa kaagad ang mga mamamayan sa bayan ng Assemini sa araw pagkatapos ng insidente at kanilang ipinakita ang pagkakadismaya sa pamamagitan ng Facebook, kasama ang pananawagan na;

“Mostriamo l’Assemini che siamo, #Noviolenza – aveva scritto – Vogliamo scendere in strada per manifestare la nostra solidariet√† a Deniz. “ (We show Assemini that we are, #Noviolence – he wrote – We want to go out on the street to show our solidarity in Deniz)

Italian News Source: http://www.ansa.it

Share this: