BANNED na sa Qatar ang ENTRY mula sa 14 na bansa dahil sa Coronavirus

Share this:

Pansamantalang pinagbawalan ng Qatar ang mga manlalakbay mula sa 14 na bansa, umpisa ngayong araw Marso 9, 2020 bilang pag-iingat laban sa mabilis na pagkalat ng coronavirus. Ito ay inihayag ng Qatar government kahapon.

Sakop sa ENTRY BAN ang mga nagmula sa China, Egypt, India, Iran, Iraq, Lebanon, Bangladesh, Nepal, Pakistan, Philippines, South Korea, Sri Lanka, Syria at Thailand.

Suspendido na rin ng Qatar Airways ang mga flights papunta at mula sa Italya.

Iniulat ng Qatar ang tatlong higit pang mga kaso ng virus noong Linggo, na ngayon ang total ay umabot na sa 15.

Share this: