Embahada at POLO OWWA sa Jordan nagsagawa ng Awareness Seminar tungkol sa COVID-19

Share this:

Nagpatawag ng mga Filcom Leaders ang Embahada at POLO OWWA sa Jordan noong Biyernes, Marso 13, 2020 para sa isang Awareness Seminar tungkol sa Coronavirus (COVID-19)

Pinayohan ng Embahada at POLO OWWA ang mga community leaders na laging mag-ingat at umiwas sa mga events o sa mga matatao na lugar.

Iwasan din ang paglabas-labas at huwag maggagala kung hindi kailangan, lalo na kung mag-iisa dahil maaring mapagkamalan na isang intsik, at maaring ma-harass ng ibang lahi katulad ng mga nangyayari sa ibang bansa.

Isang suhestiyon din ng embahada na magsuot ng damit na may print na Filipino para hindi mapagkamalan na intsik.

Sa kasalukuyan nasa 12 cases pa lang ang mga nainfect ng coronavirus (COVID-19) sa Jordan at sana hindi na dadami pa.

Photos

Share this: