Isang Pinay domestic worker ang 2nd case ng COVID-19 sa Mauritania

Share this:

Noong nakaraang Biyernes, inihayag sa maraming mga pahayagan, ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Mauritania at ito ay isang Australian national.

Kahapon, kinumpirma ni Mauritanian Health Minister Mohamed Nedhirou Hamed ang pangalawang kaso ng COVID-19.

Ito ay isang kasambahay ng isang dayuhang pamilya na nakatira sa Nouakchott City. Sila ay kababalik lamang sa Mauritania sampung araw na ang nakalipas.

Ang kasambahay at ang dayuhang pamilya na kanyang pinagsisilbihan ay nakaquarantine mula nang dumating sila sa Mauritania. Kasabay nila sa eroplano mula Europe ang Australian, na unang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa mourassiloun.com, isang kilalang online news sa Mauritania, ang pangalawang kaso ay isang Pinay na kasambahay ng isang pamilyang Saudi.

Sources:

Share this: