Kuwait: Pinay domestic worker isa sa anim (6) na bagong kaso ng COVID-19

Share this:

Marso 19, 2020 Kuwait

Kinumpirma ni Dr. Abdullah Al-Sanad, spokesperson ng Ministry of Health, ang anim (6) na bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ang mga bagong nahawaan ay limang (5) Kuwaiti at isang (1) Pinay domestic worker.

Ang apat (4) na Kuwaiti ay galing sa United Kingdom. Habang direct contact naman sa kanila ng isang (1) Kuwaiti at ang Pinay Domestic worker .

Ang total ng kaso ng mga nahawaan sa Kuwait ay 148. Labingwalo (18) nito ay gumaling na habang lima (5) naman ang nasa ICU.

574 ka tao naman ang nadischarge mula sa quarantine facilities

Sources:

Share this: