UAE MOHAP – inihayag ang pinakaunang dalawang kaso na nasawi dahil sa coronavirus COVID-19

Share this:

Marso 21, 2020 – Ininihayag ng Ministry of Health and Prevention (MoHAP) ang pinakaunang dalawang nasawi dahil sa coronavirus COVID-19.

Nabanggit ng MoHAP na ang isa sa mga nasawi ay isang 78 taong gulang na Arab national na nanggaling sa Europe. Ang sanhi ng kamatayan ay isang atake sa puso, at komplikasyon sanhi sa coronavirus.

Ang pangalawang nasawi ay isang 58 taong gulang na Asian national at resident ng UAE, na may prior chronic illness, katulad ng sakit sa puso at kidney na naging sanhi kaya hindi nakayang labanan ang coronavirus.

Nagpahayag ang MOHAP ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng dalawang nasawi. Tiniyak nito na ang dalawang kaso ay nabigyan ng kinakailangang pangangalagang medikal at pansin sa mga medical facilities ng UAE.

Hinimok ng MoHAP ang pangkalahatang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa kalusugan, at sundin ang mga precautionary and preventive measures – lalo na ang social distancing – upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng COVID-19 at tiyakin ang pangkalahatang kalusugan at kaligtasan ng komunidad sa UAE.

Source:

Share this: