Filipina-Australian Chess Master Arianne Caoili, naaksidente sa Armenia

Share this:

Lumabas sa mga pahayagan ng Armenia noong nakaraang linggo, ang naganap na aksidente sa sasakyan ng asawa ni Levon Aronian, isang kilalang Armenian Chess Grandmaster.

Si Arianne Bo Caoili ay isang Filipina-Australian. Siya ay may titulong “Woman International Master” sa listahan ng FIDE (International Chess Federation).

Ayon sa press release ng Ministry of Emergency Situation ng Republic of Armenia, noong hatinggabi ng Marso 15, 2020 – ang Lexus RX350, na minaneho ni Arianne, ay sumalpok sa isang konkretong haligi ng isang tulay sa intersection ng Sebastia at Isakov Avenue.

Dumating kaagad ang mga rescuer at nakuha si Arianne mula sa kotse. Siya ay dinala kaagad sa Astghik Medical Center sa Yerevan. Ayon sa mga doctor na sumuri sa kanya, ay serious ang kanyang kondisyon.

Noong Marso 19, 2020, naiulat sa mga pahayagan na si Arianne ay nagkamalay na pero nanatili pa rin sa ICU sa Astghik Medical Center. Sumailalim na rin sya ng isang operasyon at masusundan ng iilang operasyon.

Si Arianne ay naglaro para sa Pilipinas sa Women’s Chess Olympiad noong 1998 at 2000. Kinakatawan naman niya ang Australia sa parehong kumpetisyon noong 2004, 2006, 2008, 2010 at 2012.

Unang nakilala ni Arianne ang Armenian Chess Grandmaster na si Levon Aronian noong 1996 nang pareho silang lumahok sa World Youth Chess Championships sa Las Palmas, Spain. Naging magkaibigan sila noong 2006 at nagkarelasyon noong 2008. Sila ay ikinasal noong Setyembre 30, 2017, dalawang taon mula nang sila ay engaged sa isa’t-isa noong 2015

Sources:

Patnubay Notes:

Isama natin sa ating mga dasal si kabayan Arianne Caoili. Maliban sa isa siyang chess player na nagbigay karangalan sa ating bansa noon. Siya ay maituturing din natin na kapwa OFW.

Updates:

Pumanaw po si Ariane Caoili, araw ng Marso 30, 2020 sa edad na 33 taon gulang. Our prayers and condolences to her family.

Narito ang tweet ng kanyang asawa na si GM Levon Aronian

Share this: