Pinay domestic worker sa Kuwait, nanganak sa bahay ng kanyang employer

Share this:

Al-Anba News Kuwait: Mayo 12, 2020 – Sa utos ng prosecutor’s office, bantay sarado ang mga awtoridad sa isang Pinay domestic worker sa Al Adan Hospital, habang iniimbestigahan kung sino ang nakabuntis sa kanya.

Bandang Alas 9 kagabi nang mag-umpisa na ang full curfew sa Kuwait, nakatanggap ng tawag ang Ministry of Interior mula sa amo ni kabayan.

Nagkulong umano si kabayan sa kanyang kwarto habang pinanganak ang isang batang lalaki. Naalerto ang kanyang mga amo dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Nabunyag umano ang lihim ni kabayan. Kaya, sila kumontak sa MOI.

Mahiyain daw si kabayan, at minsan lang ito lalabas. Dalawang taon na rin siya sa Kuwait at ang kanyang asawa ay nasa Pilipinas. Sa initial investigation napag-alaman na may karelasyon umano si kabayan na isang Asian.

Patnubay Opinion: Noong Pebrero 2020, may nauna nang Pinay domestic worker na nanganak sa bahay ng kanyang amo. Nagviral ang kwento sa Facebook nang magpost ang kasamahang Pinay domestic worker ng pictures ng nanay at bagong silang na sanggol.

Nataranta umano ang kababayan at ang pagpost sa social media ang tanging naisip niyang paraan para makahingi ng tulong sa ating gobyerno, nang kinuha na ng awtoridad ang nanay at ang kanyang bagong silang na sanggol.

Sa parehong araw, pumunta naman kaagad sa hospital ang ating embahada sa Kuwait para ipaalam sa Pinay domestic worker na nakahanda silang tumulong sa kanya. Egyptian ang nakabuntis kay kabayan at nakauwi na ng Egypt. Hindi alam ng pamilya at asawa ni kabayan ang nangyari sa kanya.

Ngayong buwan ng Mayo 2020, nangyari na naman ang parehong kwento. May asawa din sa Pilipinas ang Pinay domestic worker na naanakan ng ibang lalaki.

Magkakaroon ng court hearings ang mga ganitong kaso at may hatol na kulong mula tatlo hanggang limang taon. Makakasama ng ina ang kanyang sanggol sa kulongan. Maaring makapag-apply ng pardon at mapapauwi ang mag-ina kung makapag serve na ng kalahati ng kanyang sentensiya.

Nasa baba ang Google Translation ng Arabic News to English

She did not meet her husband for two years because she is in Al Mangaf, Kuwait and her husband is in the Philippines

A “very shy” Filipina gives birth to a male in her sponsor’s home!

Mohammed Al-Dishish

By order of an Al-Ahmadi prosecutor’s office, a Filipino expatriate was placed under strict supervision inside Al-Adan Hospital in preparation for an investigation with her and the identity of the person with whom she had an illegal relationship that resulted in the adultery, and this maid sponsor expressed his surprise at the pregnancy of his maid, confirming that she had not met her husband two years ago and She looked very shy and rarely went for a walk.

In the preliminary investigations, Al-Wafdah stated that it had established a relationship with an Asian expatriate without making further statements.

According to a security source, as the clock points to nine in the evening, meaning after the entry into force of the total ban in the country, the operations of the Interior received a notification from a citizen of severe pain that he suffered from his Filipino servant and that his wife informed him that the pain is due to the pregnancy of the maid and her attempt to give birth at home.

The source said: Immediately, a medical emergency was instructed to transfer an ambulance to Al-Balagh headquarters in the Al-Manqaf area, where it was found that the newcomer gave birth to a male child after closing the door on herself, but the pain of the birth and screaming reached the ears of the owner of the house, and the hidden was revealed.

Source: https://www.alanba.com.kw

Share this: