Updates sa kaso ng Pinay na namatay sa Egypt nang masunog ang SPA Health Club na pinagtrabahuan

Share this:

Dalawang buwan na ang nakaraan, naibalita natin ang pagkamatay ng isang Pinay SPA worker at isang babaeng Egyptian customer nang masunog ang isang SPA Health Club sa Al Nuzha, Cairo noong Marso 11, 2020.

Heto ang resulta ng imbestigasyon sa kaso.

  1. Ang SPA Health Club ay nag operate na walang lisensya at pinasarado ito ng pamahalaan noong Disyembre 2019 pa.
  2. Ang lahat ng commercial establishments katulad ng SPA Health Club ay dapat nasa ground floor ng gusali. Pero ang nasunog na SPA Health Club ay nasa fifth floor.
  3. Ang Filipina worker ay walang lisensiya para magtrabaho sa isang SPA. (Hindi naiulat kung siya ba ay undocumented migrant o kung paano siya nakarating ng Egypt, na matagal nang may deployment ban sa Pilipinas.)
  4. Inutusan ng Prosecutor’s Office ang Forensic Department na madaliin ang pag autopsy sa katawan ng mga biktima.
  5. Nang lumabas ang balita noong Marso ay nag email tayo kaagad sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo. Pero wala pa rin tayong updates mula sa kanila. Kaya, ang pagbabasehan lang natin ay ang mga lumabas sa mga Arabic News.
  6. Sana, ang pagiging ilegal worker ay hindi magiging basehan para mawalan ng karapatan sa blood money ang pamilya ni Kabayan. Dapat talaga na matutukan ito ng ating embahada.

Source: https://www.youm7.com

Nasa baba naman ang kwento na naisulat natin noong Marso 16, 2020.

Related Article:

Isang Pinay sa Egypt, patay matapos masunog ang SPA na pinagtrabahuhan

POSTED BY: PATNUBAY ONLINE on MARCH 16, 2020

Isang Pinay na nagtrabaho sa isang SPA at isang babaeng Egyptian customer ay patay sa sunog sa Al Nuzha, Cairo noong Marso 11, 2020.

Ayon sa Al Nuzha Prosecution Department, ang SPA Health Club ay nasa ikalimang palapag ng gusali. Ito ay natupok na ng apoy nang kanilang nadatnan at tumambad sa kanila ang dalawang sunog na katawan ng tao.

Isa sa mga biktima ay ang Pinay worker ng SPA at ang isa ay isang babaeng Egyptian. Ipinag-utos ng Al Nuzha Prosecution Department ang agarang pag-autopsy.

Ang nasunog na SPA Health Club ay hindi umano linsensiyado.

Patnubay Reaction:

Matagal nang walang deploymet ng Filipino workers sa bansang Egypt mula nang magkaroon ng total ban noong 2013. Kaya, malaki ang posibilidad na si kabayan ay isang human trafficking victim, na pumasok sa Egypt as tourist visa.

Ipinarating na ng Patnubay ang kaso na ito sa DFA OUMWA Manila at sa embahada natin sa Cairo. Para ipaalaam sa kanila na may kasong ganito sa Egypt o para makakuha tayo ng karagdagang impormasyon.

Sources:

Share this: