Libya: Ang pinakabatang distressed Filipina ay isang dalawang (2) buwan gulang na sanggol na napawalay sa kanyang nanay

Share this:

Lumabas sa Oya News Libya, noong Mayo 18, 2020 ang balita tungkol sa isang dalawang (2) buwan gulang na sanggol, na nasa pangangalaga ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya.

Si Sarah Gabrielle Felisa o “Gabgab” na nabinyagan sa ating Embahada sa Tripoli ay nawalay sa kanyang nanay ilang minuto mula nang ito ay pinanganak.

Ayon kay ChargĂ© d’Affaires Elmer Cato, ay nasa pangangalaga na nila si Baby Gabgab tatlong (3) araw pa lamang mula ng kanyang pagkasilang.

Ang nanay ni Baby Gabgab ay hindi alam na siya ay buntis nang siya ay umalis ng Piipinas. Nagdesisyon siya na mag apply ng trabaho sa abroad para pambayad sa gastos sa ospital dahil may sakit ang kanyang asawa, at para pangsuporta sa kanyang tatlong (3) anak. Sa kasamaang palad, ay pumanaw ang kanyang asawa nang nasa Dubai na siya. Sa Dubai, na-recruit si Kabayan para magtrabaho sa Tripoli.

Noong Pebrero 19, 2020, nanganak si Kabayan kay baby Gabgab sa bahay ng kanyang employer. Dinala ang mag-ina sa hospital pero pinaghiwalay sila nang ilang minuto pa lang silang nagkasama.

Kinabukasan, tuloyan nang nawalay si Kabayan sa kanyang bagong silang na sanggol dahil kinuha na siya ng kanyang employer. Ayaw ng employer na may sanggol sa kanyang pamamahay.

Dagdag pa ni CDA Cato, si baby Gabbab ay palipat-lipat mula sa iba’t ibang tao na nag-alaga sa kanya hanggang sa isang Pinay OFW ay kumontak sa kanya.

“Kinuha namin ang baby at nasa pangangalaga na ng aming embahada. Dapat ang nanay at ang kanyang bagong silang sanggol ay magkakasama. Kaya hindi kami nag-aksaya ng oras para mahanap ang nanay, at nahanap namin siya. Kinausap namin ang employer at napapayag siya. Kaya, sa ngayon ay nasa aming pangangalaga na pareho ang mag-ina.”

Kinumpirma ni CDA Cato, na kung matanggal na ang travel restrictions sanhi ng COVID19 crisis, ay dadalhin na nila ang mag-ina pauwi sa Pilipinas.

Ayon sa Oya News, isang malaking problema sa Libya ay ang expatriate labor. Nasa 60 porsyento ng expatriate labor ay illegal ang pagkahire sa kanila.

Patnubay Note: Si Kabayan, ay malamang pumasok ng Dubai gamit ang tourist visa, at napunta ng Libya na gamit ay tourist visa din. Malaki ang posibilidad na siya ay isang human trafficking victim.

Source: https://oya.news/57991/

Share this: