Reaction ng Patnubay at Statement ng DFA tungkol sa Pinay ward na nagpakamatay sa POLO OWWA shelter sa Lebanon

Share this:

Nasa baba ang Statement ng Department of Foreign Affairs tungkol sa Pinay ward na nagpakamatay sa shelter ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, kasunod ng ating kunting paliwanag.

Si Kabayan ay dinala sa embahada natin noong Mayo 22, 2020 at nag stay na sa shelter ng POLO OWWA. Kinabukasan, nagpakamatay si Kabayan sa pamamagitan ng pagtalon mula sa bintana ng shelter.

Ang shelter ay nasa pamamahala ng POLO OWWA Lebanon. Sa mga lumalabas na Arabic News, ang shelter ay sa ilalim ng pamamahala ng ating embahada doon. Parehong tama ang mga statement yan, dahil ang POLO at embahada ay maituturing na One Country Team.

Matatandaan na noong Mayo 15, 2020, Lumabas sa MTV Lebanon ang balita at video tungkol sa reklamo ng mga OFW sa shelter, ng ating embahada sa Lebanon. Inireklamo ng mga wards ang hindi maayos nila na kalagayan, pagbabanta at walang supply para sa kanilang personal hygiene.

Ang POLO o ang embahada man ang inireklamo, ay dapat inaksyonan at isastama nila kaagad ang problema. Katulad ni Kabayan, na kaya inihatid ng employer sa embahada natin ay dahil maaring mayroon siyang depression.

Ano ba ang magiging kahinatnan sa isang tao na depressed, at pagpasok niya sa shelter ay maaring nakarinig pa ng maraming problema sa mga kapwa wards?

At pang-ilan ba na floor ang shelter natin sa Lebanon? Dapat nasa ground floor ang shelter o di kaya siguradohin na hindi mabubuksan ang mga bintana.

Sa muli, kami ay nakikiramay sa pamilya ni Kabayan. And May you rest in peace Jenalyn Borbor Banares, aming kapatid na OFW

Nasa baba ang Statement ng Department of Foreign Affairs

Statement: On the Suicide of an OFW in Lebanon

24 May 2020 – It is with deep sadness that the Department of Foreign Affairs announces that the Filipina household service worker who was taken in by the Philippine Embassy in Beirut, Lebanon, as ward at the POLO shelter on 22 May 2020 and reportedly jumped from a room she was sharing with two other OFWs in the morning of 23 May 2020 has passed away today.

The Embassy was able to speak to the Filipina’s eldest sister in the Philippines as well as her cousin in Lebanon to convey its condolences. It also gave assurances in extending assistance on the possibility of bringing her remains back to the Philippines. As of the moment, Beirut is still under lockdown and international commercial flights in Lebanon are yet to resume.

As details on the incident are currently being investigated, the Embassy has ensured the safety of the rest of the female wards in the shelter and will provide them counseling, as needed. END

Source:

Related Articles

Share this: