Patnubay Eastern KSA’s Contribution to the Bayanihan to Heal as One

Share this:

Mahigit tatlong buwan ang nakalipas mula nung naitala ang kauna unahang kaso ng COVID-19 dito sa Saudi Arabia na para sa iba ito ay isa na nmang nakakatakot na klase ng PANDEMYA. Nakakatakot para sa karamihan kase itong sakit na ito ay pwedeng kumitil sa buhay natin lalong lalo na kung hindi mo ito naagapan.

Maalala natin na ang huling pandemya na dumapo dito sa KSA ay nangyari noong taon 2012 eto ang MERSCOV o tinatawag din ng mga eksperto na Middle East Respiratory Virus.

Ano nga ba ang papel ng ating grupo sa panahon ng mga ganitong kalamidad, epidemya o pandemya ?

Ang PATNUBAY bilang isang Non Governmental Organization ay isinusulong ang boluntaryong pagtulong ( volunteerism) at pamamumunong lingkod ( servant leadership) sa pamamagitan ng pagtulong ng walang kapalit at pagmamalasakit na walang pag aalinlangan sa ating kapwa.

May PANDEMYA O WALA , ang PATNUBAY EASTERN KSA ay hindi tumigil sa paghatid ng tulong bagkus patuloy at walang sawa , walang kapaguran na tumutulong sa ating mga kababayan sa abot ng kanilang makakaya lalong lalo na sa mga OFW’S na may sari saring problema.

Ipinagmamalaki ng PATNUBAY EASTERN KSA bilang parte sa Bayanihan We Heal as One Act na tayo po ay nakapaghatid ng konting tulong ngayung panahon ng COVID-19 PANDEMIC sa ating mga kababayan na apektado ng NO WORK NO PAY, ang iba ay nabawasan ang oras ng kanilang trabaho at marami din ang tuluyang nawalan ng trabaho ( terminated) at maging ang ilang kababayan natin na nagkasakit ng COVID ay walang takot natin silang nabisita at nahatiran natin ng mga home made medicines at iba pa nilang pangangailangan at patuloy po natin silang minamanmanan sa pamamagitan ng palaging pagtawag para kumustahin ang kanilang progreso hanggang sa kanilang tuluyang paggaling sa naturang sakit.

Ilan sa mga nabigyan ng tulong ng PATNUBAY EASTERN KSA ay mga ibat ibang grupo mula sa ibat ibang kompanya sa Jubail, Dammam, Dharan at Al Khobar. Madami pang indibidual na hindi na natin kailangan ilathala ang kanilang mga pangalan.

Naniniwala ang PATNUBAY EASTERN KSA na kahit gaano kahirap ang ating pinagdadaanan sa ngayun ay atin po itong malalampasan basta sama sama po tayo sa BAYANIHAN at ating isigaw WE HEAL AS ONE!

Patnubay Notes: Ang naishare po natin na mga biyaya sa kapwa OFW na mas nangangailangan ng tulong, ay mula po sa sariling bulsa ng ating mga volunteers. Wala pong galing sa gobyerno. Personal po na ambag ng mga kasamahan para sa kapwa OFW.

Drafted by: Lia Grey of Patnubay Dammam

Photo Documentation

Share this: