Sehha App Online Medical Consultation nakakatulong sa mga OFW sa Saudi

Share this:

Sa panahon ng PANDEMYA, mahirap ang magkasakit. Kahit ang sakit mo ay hindi covid19 pahirapan ang magpagamot sa panahon ngayun at napakarami ding pasyente ang mga nasa hospital, at nakakatakot na baka doon pa tayo mahawaan ng Corona Virus.

Mabuti na lamang at may Sehha App na pwede kang kumonsulta sa isang doctor. Binibigyang-daan ka ng SEHHA ( arabic for health ) application na humiling ng isang appointment at maghanap para sa isang pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang application na ito ay idinisenyo upang magbigay ng mga serbisyong medikal sa pamamagitan ng online na pag konsulta sa isang lisensiyadong doktor.

Gayundin, ang application na ito ay pinapayagan ang mga gumagamit na makakuha ng mga konsultasyong medikal mula sa mga akreditadong doktor ng Ministry Of Health sa ibat ibang larangan ng Medisina .

Sa panahon ng COVID-19 napatunayan kung gaano kahalaga ang SEHHA app. Hindi lingid sa ating lahat kung gano kahirap magpagamot sa ngayun lalong lalo na at meron tayong tinatawag na curfew. Kung nagkataon na may emergency tungkol sa pangkalusugan mahirapan kang lumabas kung wala kang travel permit na galing sa ministry of interior . May ubo ka lng ayaw ka nang tanggapin sa mga ospital hindi kagaya ng dati na pwede kang mag walk in kahit anong oras. May mga kababayan tayo na ilang beses nagbalak magpunta sa mga ospital para magpa konsulta pero ang nangyari ay pinagtabuyan sila at baka pa daw sila makahawa na tuloy para sa pagkaintindi ng iba isa itong maliwanag na diskriminasyon sa ganitong panahon ng PANDEMYA.

Pero ang iba nating kababayan imbes na manlumo dahil hindi na accomodate ng ibang ospital ay hndi nawalan ng pag asa. Sa halip nag install sila ng SEHHA app mula sa Apple Store at Play store at duun napatunayan na ang pagkakaroon ng SEHHA app ay napalaking tulong sa kanila. Hindi mo na kelangan magpakapagod at mainitan sa labas para pumila at magpa doctor. Hindi mo na Kelangan mamasahe pa ng taxi at magpakagutom sa pag aantay na tawagin ka at higit sa lahat eto ay libre at hindi mo na kailangan magbayad ng consultation fee.

Mag download ka lng ng sehha app mag register gamit ng iyong mobile number at bingo! ready ka na sa iyong unang online appointment .

Sa katunayan, ako po mismo ay nakaranas magpakonsulta sa isang doktor sa pamamagitan ng Sehha App, ang pangalan ng doctor ko ay si Dr. Ibrahim Ramadan at si Dr. Amena Eyas Ali. Meron din po tayong mga kababayan na naka eksperyensia na gumamit ng Sehha App gaya nila Mr Benson, Mr Rick , Mr Raf, Mr Ranier . Sila po ay mga direct contact sa isang COvid na pasyente pero sa kasamaang palad ay hindi sila tinanggap sa mga ospital kaya sila po ay nag self quarantine na lamang at nagpatulong sa mga propesyonal na doctor ng Sehha App.

Tatlong beses ang ni allow na pagpa konsulta sa Sehha sa isang buwan at may limit na sampung minuto ang bawat pagpapakonsulta sa isang doktor pero kung wala nman komplikasyon , ang oras na ito ay sapat na. Mabibili mo ang mga gamot na ibibigay nila sa mga dispensary ipakita mo lng ang mga gamot na binigay ng doctor mo sa sehha app .

Kaya para sa iyo kabayan mag install na ng Sehha App para sa mabilisang pag konsulta at pagpapagamot sa iyong sakit at karamdaman .

Sa panahon ngayun bawal ang magkasakit kaya ingatan lagi ang ating kalusugan.

Drafted by Romelia “Lia Grey” Bayatin (Patnubay Dammam)

Related Links

Share this: