Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, sarado sa loob ng 2 linggo dahil nagpositibo ang isang staff nito sa COVID19

Share this:

Ikinalulungkot na ibalita sa publiko ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na isa sa mga empleyado nito ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Bilang pagsunod sa mga alituntunin ng World Health Organization at ng Kuwaiti Ministry of Health, kung saan kinakailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga taong may malapit na pakikipag-ugnayan sa nagpositibo sa COVID-19, inaanunsyo ng Embahada ang suspensyon ng lahat ng serbisyo nito epektibo ngayong araw, 2 Hulyo 2020, hanggang 16 Hulyo 2020.

Ang mga on-site operation ng Embahada, Philippine Overseas Labor Office at Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) ay suspendido mula 2 Hulyo 2020 hanggang 16 Hulyo 2020.

Ang mga may naka-iskedyul na appointment sa Embahada ngayong 2-16 Hulyo 2020 ay inaabisuhang hintayin ang tawag o mensahe ng Embahada, sa pamamagitan ng WhatsApp, para sa pagbabago sa iskedyul ng kanilang mga appointment.

Ang Embahada at ang mga ahensyang kaugnay nito ay patuloy na maglilingkod sa Filipino community sa Kuwait sa pamamagitan ng mga sumusunod na hotline at social media account:

Dahil sa limitadong paggalaw ng mga tauhan ng Embahada sa panahong ito, ang mga Pilipinong nasa matinding kagipitan ay maaaring makipag-ugnayan sa mga emergency hotline ng pamahalaan ng Kuwait:

  • Kuwait Police: 112 (kung walang kinalaman sa COVID-19)
  • Kuwait Ministry of Health: 151 (kung may kinalaman sa COVID-19)

Nakikiusap ang Embahada para sa pag-unawa ng publiko sa mga panahong ito. Salamat.

State of Kuwait, 2 July 2020

Sources:

Share this: