Isang Pinay patay sa sunog sa Kuwait

Share this:

Agosto 17, 2020 – Sa Twitter account ng Kuwait Fire Service Directorate at ni Retired Major General Hamad Al Sari, naibalita na isang Pinay na kasambahay sa Kuwait ang namatay sa nangyaring sunog sa Al-Shuhada Area, noong Agosto 17, 2020 . Dalawa naman sa kanyang kasama (isang Ethiopian at isang Malagasy) ay nakaligtas.

Nagsimula umano ang sunog sa kwarto ng tatlong (3) kasambahay. Nailigtas ang dalawang kasambahay ng mga bombero na nagpatay ng apoy. Hindi pinalad ang ating kababayan.

Nag-umpisa na ng kanilang imbestigasyon awtoridad para mabatid kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Patnubay Note: Kasama ang aming panalangin, kami po ay lubos na nakikiramay sa buong pamilya at mga mahal sa buhay ni yumaong kabayan.

Sources:

Share this: