KSA: Magsasagawa ng Special Passport Extension Services ang Embahada mula 11-12 Septyembre sa Al Khobar

Share this:

Riyadh, Ika-6 ng Septyembre 2020 – Ipinaaalam ng Pasuguan/Embahada ng Republika ng Pilipinas sa publiko na pinayagan ng Pamahalaan ng Saudi ang Embahada na magkaroon ng Special Passport Extension Services ngayong darating na weekend, 11-12 Septyembre, sa Al Khobar, Eastern Region,

Ang Special Passport Extension Services ay by-appointment lamang, at isasagawa sa sumusunod na venue:

Philippines Passport Collection Centre
VFS Global

2nd floor Al Katheery Centre, Opposite SABB Bank, Al Rakaa, Al Khobar

Magbubukas ang appointments para sa serbisyong ito sa Ika-8 ng Septyembre ng alas-9:00 ng umaga.

Ang serbisyong ito ay para sa mga Filipinong nasa hurisdiksyon nito na may kulang sa anim (6) na buwan nalang ang validity ng kanilang pasaporte at nabibilang sa mga sumusuno

1) Mga Filipino na mag-expire o expired na ang Saudi Residence ID (Iqama);

2) Mga Filipino na may Final Exit Visa at may ticket ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

‘Ang mga Filipinong nais na mag-apply sa serbisyong ito ay dapat magsagawa ng mga sumusunod:

STEP ONE: Kumuha ng appointment para sa “Special Passport Extension Services, Location: Al Khobar’ mula sa Online Appointment System sa Official Website ng Embahada. Maaaring i-download ang instructions para sa pag-gamit ng Online Appointment System sa link na ito:

https://riyadhpe.dfa.gov.ph/images/Consular/Online_Appointment/Instructions_for_Online_Appointment_System_English_and_Tagalog.pdf

STEP TWO: Pumunta sa nabanggit na venue sa takdang araw at oras ng appointment dala ang mga sumusunod na dokumento:

C. Kung mag-Expire o Expired na ang Iqama:

4) Sulat galing sa Employer/Sponsor para sa Embahada na humihiling ng passport extension para sa applikante upang mag-renew ng kanyang Saudi Residence ID (Iqama)

5) Kopya ng pinakahuling Iqama

6) Kopya ng pinakahuling Pasaporte ng Pilipinas,

D. Kung may Exit Visa at Ticket ng Eroplano pauwi ng
Pilipinas:

4) Kopya ng pinakahuling Pasaporte ng Pilipinas,

5) Kopya ng Exit Visa

6) Kopya ng Ticket ng Eroplano pauwi ng Pilipinas

May bayad na SAR 80.00 na service fee para sa bawat extended Passport. WAKAS

Sources:

Share this: