Ambassador ng Pilipinas sa Iraq at Deputy Speaker ng Kurdistan Region Parliament, nagkaroon ng pulong

Share this:
Ipinahayag ni Ambassador Calonge ang kanyang pag-asa para sa matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Kurdistan Region, at sisikapin ng Pilipinas na magbukas ng isang konsulado o tanggapan ng embahada sa nasabing rehiyon, para mas makapagbigay ng tulong at serbisyo para sa Filipinos sa Kurdistan Region.

Ambassador ng Pilipinas sa Iraq at Deputy Speaker ng Kurdistan Region Parliament, nagkaroon ng pulong

Setyembre 20, 2020 – Malugod na tinanggap ni Deputy Speaker Hemin Hawrami ng Kurdistan Parliament si Ambassador Genoroso Calonge ng Philippine Embassy sa Iraq.

Ipinaliwanag ni Deputy Speaker Hawrami kay Ambassador Calonge ang kamakailang ipinasang mga panukalaang batas ng Kurdistan Region Parliament at mga patakaran ng kanilang pamahalaan. Ipinaliwanag din niya na may nakalaang mga puwesto sa Parlyamento, para sa mga Christian, Armenian at Turkmen, para ligal ang kanilang pakikilahok sa politika at representasyon.

Dagdag pa ni Deputy Speaker Hawrami na ang Parlyamento ng Kurdistan at ang Rehiyon ng Kurdistan ay umaasa na palakasin ang kanilang relasyon sa Pilipinas. Tinalakay din nila ni Ambassador Calonge ang patungkol sa dayalogo sa pagitan ng Kurdistan Region at Baghdad, ang tungkol sa pandemiya na Coronavirus, at ang pang-ekonomiyang epekto ng pandemya sa Kurdistan at sa buong mundo.

Ipinahayag naman ni Ambassador Calonge ang kanyang pag-asa para sa matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Kurdistan Region, at sinabi na sisikapin ng Pilipinas na magbukas ng isang konsulado o tanggapan ng embahada sa nasabing rehiyon, para mas makapagbigay ng tulong at serbisyo para sa Filipinos sa Kurdistan Region.

Source: https://www.parliament.krd

Share this: