Video: Paghaharap ng Bagong Ambassador ng Pilipinas at ng Bagong Amir ng Kuwait

Share this:

Kabilang sa mga bagong ambassador ng ibang bansa, nakaharap ni Ambassador Mohammed Noordin Pendosina Lomondot ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, ang bagong Kuwaiti Amir na si Sheikh Nawaf Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, sa seremonya ng presentation of credentials na ginanap sa Bayan Palace noong Disyembre 22, 2020.

Sa pagbigay ng kanyang Letters of Credence, ipinarating ni Ambassador Lomondot kay Sheikh Nawaf ang malugod na pagbati mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan at mga mamamayan ng Kuwait. Ipinahayag naman ng bagong Amir ang kanyang suporta kay Ambassador Lomondot para sa isang matagumpay na misyon sa Kuwait.

Ang seremonya ng “Presentation of Credentials to the Amir ay ang huling bahagi ng pormal na proseso ng pamahalaan ng Kuwait sa pagkilala at pagtiwala kay Ambassador Lomondot bilang bagong sugo ng pamahalaan ng Pilipinas. Nauna nang ipinakita in Ambassador Lomondot ang kanyang Letters of Credence sa Kuwaiti Foreign Minister.

Ang iba pang mga ambassador na nagpresenta din ng kanilang mga kredensyal ay sina Ambassador Anne Claire Legendre ng France, Ambassador Rut Thammamongkol ng Thailand, Ambassador Manelisi Genje ng South Africa, Ambassador Azamat Berdibay ng Kazakhstan, Ambassador Hashemi Ajili ng Tunisia at Ambassador Raymond Sarsero ng Malta.

Sources:

Share this: