Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun! Paalam Labatt Nasser Munder

Share this:

Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun!

Nakakalungkot po naming ibabalita na pumanaw na po si Labor Attaché Nasser Munder ng POLO Jeddah. Sama-sama tayong magdarasal para sa kanyang kaluluwa at para sa kanyang pamilya na dumanas ng kalungkotan sa ngayon.

Si Labatt Nasser Munder po, ay napakabait na tao at bilang public servant ay napakasipag sa pagresolba ng mga problema ng mga OFW. Lagi po natin siyang nakausap lalo na sa panahon ng may curfew sa Saudi Arabia dahil sa pandemic.

Napakaswerte natin sa Patnubay na may 24 / 7 tayong direktang linya kay Labatt na umaaksyon kaagad sa mga SOS cases.

Tayo lahat ay nilikha ng ating Maykapal at sa Kanya din tayo babalik. Doon sa kabilang-buhay, tayo magkita-kita ulit. Tayong mga naiwan sa mundong ibabaw, ipagpapatuloy lang natin ang ating pananampalataya at mabuting pakipagkapwa tao para sa kabilang buhay ay magkasama-sama pa rin tayo. In Sha Allah.

Share this: