
Pebrero 7, 2021 – Sa press conference tungkol sa Coronavirus, sinabi ng official spokesperson ng Ministry of Interior na si Lieutenant Colonel Talal Al-Shalhoub na nasa kamay ng publiko kung magkakaroon muli ng curfew.
Pinaliwanag ni Al-Shalhoub na hindi magkakaroon muli ng curfew kung susunod ang publiko sa mga ipinatupad na precautionary measures.
Nagpahiwatig si Al-Shalhoub na magkaroon ng curfew kung kinakailangan. Ipinunto niya ang pagtaas ng 72% ng mga paglabag sa precautionary measures.
Nagbabala si Al-Shalhoub na madodoble ang parusa sa bawat pag-ulit ng paglabag sa mga precautionary measures para labanan ang coronavirus.
Nagbabala din si Al-Shalhoub sa mga nagpapakalat ng “rumors” at “misinformation” tungkol sa Coronavirus na maging sanhi ng pagkaroon ng pagkapanic o maging sanhi ng paglabag sa precautionary measures, na ito ay may multa na hindi tataas sa isang (1) Milyon Saudi Riyals o pagkakulong mula isa (1) hanggang limang (5) taon.
Sinabi ni Al-Shalhoub na nakatutok ang mga competent authorities sa curves ng coronavirus at patuloy ang kanilang pagsusuri kung kailangan magpapatupad ng strict measures