Isa na namang Pinay ang nagbigti sa Kuwait

Share this:

Pebrero 8, 2021 – Isang Pinay na naman ang nadagdag sa listahan ng mga nagpakamatay sa Kuwait. Nagbigti umano si Kabayan sa loob ng bahay ng kanyang employer, gamit ang tela na itinali sa bubong ng banyo. Ang kaso ay naitala sa Ali Sabah Al-Salem police station na nagdeklara na ito ay suicide.

Napag-alaman na 1994 ang taon ng kapanganakan ni Kabayan. Ayon sa kanyang employer, wala silang nakitang senyales na may problema si Kabayan at hindi rin daw ito nagsabi na gusto siyang umuwi sa Pilipinas.

Patnubay Notes: Tayo ay nananawagan sa ating pamahalaan para masuri kung totoong suicide ang ikinamatay ni Kabayan. Atin pong ipanalangin ang kapanatagan ng kanyang kaluluwa. Nakikiramay din po tayo sa kanyang naiwang mga mahal sa buhay.

Source: https://www.alanba.com.kw

Related Cases Links

Share this: