KSA: Ang mga “huroob” ba ay makakalipat ng employer gamit ang Labor Reform Initiative(LRI)?

Share this:

Ang katanungan na ito ay nasagot na ng mga previous articles natin.

Para sa mga kapwa OFW na “huroob” ang status, pero umaasa na sila ay makabenefit sa Employee Transfer Service ng Labor Reform Initiative, gagawa tayo ng simpleng paliwanag gamit ang dalawang larawan.

1. Tingnan ninyo ang unang larawan sa baba at yong dalawang Arabic na paragraph na nilagyan natin ng pulang kulay. At kasunod naman ng larawan, ay ang ating English Translation para sa dalawang paragraph na yan.

English Translation for the Paragraph on the right

Does the cancellation of absenteeism pass with the new system (Labor Reform Initiative)?

One of the desired results of this initiative is to reduce absenteeism. There is no change to the existing mechanisms for absenteeism reports.

English Translation for the Paragraph on the left

What is the status of workers who reported absenteeism before launching the initiative? Can they benefit from the initiative?

It is approved to deal with them according to the procedures currently in force.

Ang larawan na yan ay nakuha natin sa FB Page ng Ministry of Human Resource and Social Development at ito yong link:

Dahil Arabic ang nakasulat sa mga larawan ng link na yan, ginawan natin ito ng English Translation at ito yong link ng article natin:

2. Tingnan ninyo ang pangalawang larawan sa baba at yong Arabic na pinalaki natin at nilagyan natin ng pulang kulay. At kasunod naman ng larawan, ay ang ating English Translation para dyan.

English Translation

5. Can a worker who has a report of absence from work benefit from the Employee Transfer Service?

No

Ang larawan na yan ay galing sa Arabic User Guide ng Labor Reform Initiative na nakuha natin mula sa website ng Ministry of Human Resource and Social Development, sa link na ito:

Dahil Arabic ang nakasulat sa User Guide ng link na yan, ginawan natin ito ng English Translation at ito yong link ng article natin:

Patnubay Notes: Napakalinaw na hindi pwede makapag-avail ng “Employee Transfer Service” ng LRI ang mga “huroob”, at napakalinaw na ang current mechanism o procedure ang applicable lamang sa kanila, at ito ay deportation.

Kami ay nakikisimpatiya sa ating mga kapwa OFW na umasa na sa Labor Reform Initiative ay mapagbigyan sila ng chance na maging legal muli. Pero ayaw po namin magbigay ng false hope o maling information na maaring magdulot pa ng karagdagang problema sa kapwa.

Sa mga “huroob” na ayaw pang umuwi at gusto pang mag-stay sa kaharian sa ano mang kadahilanan, magdoble ingat lang po na hindi magkasakit o maaksidente dahil mahirap makapasok ng clinic o hospital ang may invalid na iqama.

Sa mga “huroob” na gusto nang umuwi, dumulog lang po kayo sa ating POLO o embahada para matulongan kayo nila sa pagkuha ng exit visa at ticket pauwi sa Pilipinas.

Ito lang po muna, Mabuhay ang mga OFW saan mang panig ng mundo.

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barkatuh!

Drafted by Abu Bakr Espiritu
for Patnubay.org

Related Articles

Share this: