Video: Filipino-Emirati Celebrity na si Mashael Al Shehhi, ibinunyag ang tungkol sa kanyang kalusugan

Share this:

Sa isang video, ipinakita ni Mashael Al Shehhi ang mga bagong development tungkol sa kanyang kalusugan. Ang video ay naipost sa kanyang Snapchat account. Sinabi ni Mashael sa kanyang mga followers na siya ay kasalukuyang nagpapagaling sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ipinaliwanag ni Mashael na siya ay dumaan sa apat na uri ng magnetic radiation upang makita kung ang pagdurugo sa loob ng kanyang spine ay tumigil na o hindi pa, para malalaman kung kailangan niya pa ba na sumailalim sa pangalawang operasyon.

Sa parehong video sinabi ni Mashael na naghahanda na siyang umalis sa ospital, at nagpapahayag ng kanyang labis na tuwa sa kanyang pag-uwi, matapos na namalagi ng higit sa dalawang linggo sa ospital.

Sinabi ni Mashael na sa bahay na niya ipagpapatuloy ang pagpapagaling; kailangan pa rin niya ng physical and occupational therapy sessions, at siya ay bibisita paminsan-minsan sa ospital para magpacheck-up sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Umaasa si Mashael sa awa ng “Tagapaglikha” na ang resulta ng x-rays ay mapapaaga at sana hindi na kailangan pa ang second operation. Inamin niya na siya ay nahirapan sa kanyang pinagdadaanan.

Patnubay Notes: Isasama natin sa ating mga dasal ang agarang paggaling ni Mashael na kahit sa kanyang katanyagan sa UAE, ay ipinagmamalaki niya na siya ay may dugong Filipino.

Previous Article about Mashael Al Shehhi

Mashael Al Shehhi, kilalang TV presenter at actress sa UAE, half Pinay

OCTOBER 10, 2019

Si Mashael Hassan Al Shehhi ay isang kilalang TV presenter at actress sa United Arab Emirates. Siya ay ay ipinanganak sa Fujairah, UAE noong Pebrero 18, 1997.

Sa edad na sampung (10) taon, siya ay nakilala bilang isang jewelry designer at sumasali sa mga kompetisyon sa larangan ng pagdedisentyo ng alahas.

Sa edad na sampung (10) taon din, nagsimulang sumali si Mashael sa mga school plays hanggang sa nakilala niya ang sikat na Bahraini actress na si Haifa Hussein.

Nag-sumite si Mashael ng kanyang test performance videos at hindi niya inasahan na siya ang napili na maging kapartner sa TV series na pagbidahan nila ni Haifa, ang “Law ‘Aniy ‘Aerif Khatimati” (If I know my destiny) noong 2015 sa Abu Dhabi TV.

Ang kasunod nya na pinagbidahan ay ang teleserye na “Aya wa Abra” (Aya and Abra) noong 2015 at “Sawf Taht Harir” (Wool Under Silk) noong 2017 at nakagawa ng children tv show na “Ana Zarah Junior” (I am Zarah Junior) sa Majid Kids TV.

Noong July 2018, sa kasagsagan ng diplomatic crisis ng bansang Kuwait at Pilipinas, may mga Kuwaiti celebrities na nangungutya sa Pilipinas at sa ating lahi; si Mashael ay hindi nagdalawang-isip at buong tapang na ibinunyag na ang kanyang ina ay isang Pilipina at siya ay proud na may dugong Pilipino.

Nakilala ni Mashael ang kanyang asawa na si Ahmed Khamis noong nag-aaral pa lang siya sa Higher Colleges of Technology ng “film directing”. Naging sensational sa media at nagviral sa social media ang marriage proposal ni Ahmed sa stage na ikinagulat ni Mashael. Si Ahmed ay kilala din na aktor at journalist sa UAE.

Sa kasalukuyan ang mag-asawang Mashael at Ahmed ay nagbakasyon ngayon sa Pilipinas. Habang nasa Pilipinas, kontrobersyal at puna ang laman ng iilang balitang Arabic tungkol sa mag-asawa, dahil umano sa pananamit na labag sa tradisyon at kulturang Emirati. Pero katulad ng mga naunang isyu na ibinato sa kanila, makakayanan ito ng mag-asawa.

Hindi na bago sa kanila ang mga puna at masasakit na salita mula nang pagkabata. Si Mashael na half Filipina at si Ahmed na lumaki sa orphanage. Gayunpaman, walang naging hadlang sa kanila na makamit ang tugatog ng tagumpay at kabantugan habang nanatiling mapagkumbaba.

مشاعل الشحي وزوجها في الفليبين
image source: layalina.com
Share this: