Ano ang batas at parusa para sa isang OFW sa Riyadh na nakapagbiktima ng mga kapwa OFW sa pamamagitan ng Social Media?

Share this:

Marami ang nagtatanong sa atin kung ano ang batas sa Kaharian ng Saudi Arabia, ang gagamitin doon sa isang OFW na nanglinlang umano ng maraming kapwa OFW gamit ang social media, na umabot umano sa 400 libong Riyals ang kabuuang halaga ng pera na nakuha sa mga biktima.

Ang tawag sa krimen ay Financial Fraud Crime o sa salitang Arabic ay “jarimat alaihtial almalii“.

Ano ang Financial Fraud Crime?

Financial Fraud Crime

It is forbidden to take the money of others by deceiving them and inducing them to hand over the money, and this includes all the traditional means of fraud associated with the use of a computer or information network. If the crime of financial fraud is committed, with a total of more than (Twenty Thousand) riyals, and the private right has not been terminated, it becomes a major crime requiring arrest.

Decision of His Excellency the Attorney General No. (1) dated 01/01/1442 AH Paragraph No. (8) of Clause First, which specifies the major crimes requiring arrest.

Source: https://twitter.com/bip_ksa/status/1375100230744616960

Patnubay Notes:

Ang salitang “fraud“, by legal definition ay mas matindi kaysa salitang “scam“. Ang fraud ay isang crime samantalang ang scam ay maaring minor offense lamang, pero maari din maging isang fraud.

Itong OFW na walang awa na nanloko ng maraming kapwa OFW, tawagin nyo siyang “fraudster”, dagdag sa pagtawag ninyo sa kanya na “scammer”. At kung kayo ay isa sa kanyang mga biktima, pumunta kayo sa police station kung saan nakasampa ang kaso ng mga naunang nagreklamo.

Kailangan ninyong magreklamo (private right of action), para magkaroon ng katibayan, na lagpas sa halagang 20 libong riyals ang kabuuang halaga ang nakuha niya sa inyo na mga biktima niya, para ang kaso ay maging major crime at tuluyan siyang makukulong hanggang sa hindi matapos ang hatol sa kanya, at hindi siya makakauwi sa Pilipinas hanggang hindi niya mabayaran ang mga tao na nagsampa ng reklamo laban sa kanya.

Kailangan na magtutulongan ang mga biktima para mapapanagot sa batas ang fraudster na ito at mapaparusahan, at para hindi na rin siya makapagbiktima ng iba pa.

Drafted by Abu Bakr Espiritu
for Patnubay Advocacy Group

Reference:

Share this: