You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Mga Pinagtagpi-tagping reaksyon ni Tasio: re Impeachment Trial ni CJ Corona

On Senate’s 13-10 votes to obey TRO

-  FAIRNESS is NOT about SUPPRESSING the TRUTH of unrighteousness.

-  JUSTICE is about INVESTIGATING the TRUTH of unrighteousness.

-  Righteous LAWs must always side with the TRUTH. Unjust laws must be broken!

 

-  Our HISTORY is FULL of GREAT HEROES who FOUGHT against UNJUST LAWS.

- UNJUST LAWS must be broken because these protect the corrupts, the criminals…..and hypocrites who pretend to be as law abiding citizens.

-  What happened in the senate earlier today (February 13) ; is a clear proof that the real enemy of the Filipino people are our laws and our constitution..

On the Annoying and Noisy Senator

-  Nakuh nag-seizure attack na naman yata!

- Don’t Vote Again……this emotionally retarded Senator.. na walang ibang pinagyayabang kundi ang OA english at seminar  nya  sa harvard, pero di naman kayang icontrol ang sariling emotion. Ang lakas magtanong ng pabalang at insulto pero kung sasagutin mo ng parehong tema ay parang paslit na magwawala, na parang inagawan ng kendiment…

at feeling stand-up comedienne pa na kung magsalita ng mga twitter messages ay parang sya ang gumawa.. kinopya rin lang naman sa iba.. corny mo girl ha.. heto ang sa yo

Maganda ka ba ? eh kung makapag-salita at manlait ka para kang hindi pangit. weeh..

Well,  dito nyo makikita na mas importante ang EQ kesa IQ.

Lies Vs Fake

- Defense Lawyers accused the Senator judges of P100 million bribe offered to them by Malacanang .. Now the defense lawyers apologized and admitted their made up stories.. (Fabricated LIES)

- Prosecution Lawyers presented (allegedly FAKE) bank documents allegedly owned by CJ Corona. The bank documents may be faked but the account numbers are all true.

- So, the Senator judges, if they are looking for TRUTH then they must investigate. The public needs and deserves to know how much money CJ Corona has in the bank!

-  If CJ Corona is as clean as he clumsily portrays, then he has nothing to hide.. and there is no need for him to collude with the 8 Sham Justices (SC) to issue a TRO on his bank accounts!

On Quicho Who?

Atty Quicho (defense): We live by the rules, kung kailangan we may die by the rules..

Reaction:

- You may die now at isama mo na rin ang rules mo..

- We wish for an impeachment trial kung saan ang prosecution, defense at mga judges ay PARA SA KATOTOHAHAN at hindi sa mga teknikalidad ng rules!

Quicho: We expect sen-judges to ask clarificatory questions. [Magtanong] kung may mga sagot na di malinaw, on points of law.

Reaction:

- Liar este lawyer ka talaga.
- Pero hindi kailangan ng mga tao ngayon ang LAW ng pinas na noon pa man ay katulad ng karamihang mga abugado na INUTIL na!.. ANG KAILANGAN NAMIN AY KATOTOHANAN!

Dollar Account
JPE Takpan nyo ang dollar account.. ano ba yan.. nasa harapan nyo na ang katotohanan.. tatakpan nyo pa?

Reaction:

Pambihirang batas ng pilipinas, katulad ng constitution. Ginawang walang silbe at  ginagamit lang ng mga kawatan para itago ng katotohanan..

Invalid Evidence at Small Lady

- For Christ sake, mga senador, makafocus kayo kay Corona at hindi sa small lady na nagleak ng bank records…. Takot rin yata kayo na makita ang mga nasa bank accounts nyo…. Dapat nga lahat ng senador, congressmen, mga LGUs at mga politiko.. buksan na lahat ng inyong mga bank accounts sa publiko.. at ikumpara na sa inyong mga SALN. at kung mapatunyan na may discrepancies.. then you have two options.. kulong or suicide!

- Hay nako mga senador. Paikot-ikot na lang kayo sa forgery at invalid evidence at small lady.. Hindi kayo nakatutok sa totoong isyu. Totoo ba na maraming account numbers at may malaking pera na hindi nakadeclare sa SALN ng Thief Justice. Yan yong issue.

- Kung may forgery, or violation to bank secrecy law then deal with it later sa tamang venue at hindi sa Impeachment court. Dahil ang impeachment court ay para pagpatunay kung magnanakaw ba itong si Corona or hindi. Hindi kung papano nakuha yong facts about the account number.

Papapano kung nasagasaan yon si Small Lady pagkatapos ibigay yong ebidensya kay Rep Umali? Isasama nyo rin ba sa trial kung papano sya nasagasaan?

How about ang napabalitang may EVA si Chief Justice maliban kay Cristina? Papatulan nyo rin ba yon?

Joker, Jinggoy, Meriam at Bongbong

Anong nangyari kay joker.. devils advocate ba yan. or naging devil na talaga yan? Ay Oo nga, Arroyo pa rin yan.

At itong si Jinggoy naman, panay ang reklamo na biktima din daw  sila ng pagviolate ng bank secrecy law. Akala ko ba ay hindi kay tatay mo ang Jose Velarde account?

Meron pang Meriam,  hay naku ang lakas magsalita ng pabalang at insulto.. pero kung makarinig ng ganung tema. kahit bulong lang ay nahighblood kaagad.. Ano ba ang magandang itawag  sa Senadora na nahighblood sa sariling salita at mga insulto na lumabas sa sariling bibig?

Expect Bongbong na not guilty ang maging hatol nya kay Corona. Marcos yan at kahipokritohan lang kung gagawin nya pa yon

About the Impeachment Trial Process 

Ang impeachment trial sa Pilipiinas ay ang simpleng bagay ginawang komplikado ng mga kunwaring matatalino.

Mahalintulad mo yan sa paglipat ng pusa sa kabilang kwarto.. napakadali lang sana. (1) buksan ang unang kwarto.. (2) bubuhatin lang yong pusa, (3)buksan ang pangalawang kwarto at (4) ilagay ang pusa..

Kaso yong mga nagkunwaring matatalino ay ginawang kumplikado. Pinto ba talaga yan? Papano mo nasisiguro na pinto yan ? kung bubuksan mo ang pinto ay sigurado ka ba na kwarto yan ? kung kwarto yan.. sigurado ka na na may pusa ? Pusa ba talaga yan ? Ang daming pasikot-sikot at walang mangyayari..

Ganun sana ang impeachment trial sa atin..  Dapat sana ay ang tanong kung may ninakaw ba at totoo ba? . Hindi yong papano mo nalaman na may ninakaw.

Kung illegal man ang pagkakuha ng evidence then that will be another case  in another venue at hindi sa impeachment court.

Well, alam naman natin na mas malaki ang nakaw na pera ng mga senador, congressmen at iba pang nasa katungkulan kung ikumpara sa iilang milyon lang ni Corona.  Ang pinakamalaking kasalanan ni Corona ay pumayag syang gawing pangharang ni GMA para protektahan ang ang mga kawatan.

Sa pagtakbo ng impeachment trial, dahan-dahang na-realized ng mga Senador at maging sa mga kongresista na kasamang pumirma sa impeachment;  na si Corona  din pala ang kanilang huling depensa.