Paalala sa mga Pilipino na nagtrabaho sa mga coffeeshop

Share this:

Riyadh- Isang kababayang barista ang kasalukuyang nakakulong ngayon sa Malaz Prison. Ang dahilan? Nagbenta siya ng whipped cream charger.

Nangyari ang insidente nang may hinuling ibang lahi sa katabing coffeeshop na nagbi-benta rin ng nasabing charger. Idinamay rin ng ibang lahi ang Pilipino.

Ang whipped cream charger ay isang steel cylinder o cartridge na may lamang nitrous oxide (N2O). Ito ay ginagamitan ng dispenser at inihahalo sa liquid cream mismo para makagawa ng whipped cream para sa frafe, mocca at iba pang mga produkto ng coffee shop.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang nitrous oxide na laman ng whipped cream charger ay maaring abusuhin ng mga drug users dahil ito ay may psychoactive effects kung sisinghutin.

Sa pagsisiyasat ng Patnubay, napag-alaman na ang whipped cream charger ay mabibili lamang sa mga exclusive supplier at ibinibenta lamang sa mga coffee shop para panggamit sa kanilang mga produkto. Pero ang mismong whipped cream charger ay bawal ibenta sa ibang tao para sa iba pang paggagamitan.

Sa panayam ng patnubay kay kabayan, inamin niya ang pagbibenta ng charger pero hindi niya alam na ito ay gagamitin bilang droga. Kadalasan na dahilan ng mga bumibili sa kaniya ay para umano sa cream ng cake. Ayon kay kabayan, ang isang box na may lamang sampung piraso na whipped cream charger ay nagkahalaga ng SAR 35 at naibebenta niya ng SAR 40.

Share this: