Poetry: Mabuhay ka Aking Guro

Share this:

Francis Morilao – Qatar

First posted in kwentonikiko.com

OFW ka man o nanatili sa bansa
pagmamahal mo at pagkalinga
hindi mababayaran ng kahit sinong bata

ang aking mga natutunan
hinding hindi ko malilimutan
ikaw na guro ng paaralan
huwaran ka ng lipunan

hinubog mo ang aking pagkatao
tinuruang saliksikin ang aking mundo
pag ibig mo ay hindi nagbabago
sa munting batang tulad ko

salamat sa iyong pang unawa
sa kakulangan ko sa pagbasa
patuloy na nariyan kang
tinuturuan ako sa tuwina

sa haba ng iyong pinag aralan
ikaw ay aking pinapupurihan
ang kursong iyong kinagiliwan
ito’y malaking tulong para sa kabataan

mabuhay po kayo ma’am!

Share this: