You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Ang Talambuhay ni BEHWA MELLA UY (Torino, Italya)

Ako si Behwa Mella Uy. Rosanna Mella ang profile name ko sa facebook.Ipinanganak ako sa Polangui,Albay noong February 17, 1964.

Nakatira kami sa Angeles Heights San Pablo City, Laguna.Ang papa ko ay si See Kiat Uy, namatay na sya May 13, 1996 at 16th year death anniversary ngayong taon. Ang nanay ko ay si Remedios Mella taga Bikol. At dahil Chinese ang papa ko at Filipina ang nanay ko kaya half Chinese half Filipina ako. Lima kaming magkakapatid at pangatlo ako.Tatlo ang kapatid kong lalaki at isa angkapatid kong babae. Nag -aral kami ng elementary sa Chinese school at High school sa Laguna Colleges. Yong tatlo nakatapos ng college at ako ay kumuha two years vocational course.May tindahan kami sa palengke ngSan Pablo at doon kinukuha ang lahat ng panggastos namin sa pang araw araw hanggang makatapos kamisa pag aaral.

Taong 1986 to 1988 ay nagtrabaho ako domestic helper sa Kuwait at umuwi ako noong February 1988 at hindi na bumalik dahil nagkakagulo na noon at nagkagiyera ng August. Pagbalik sa amin tumulong na lang ako sa tindahan namin at nagrarasyon din kami noon ng mga toyo at patis sa palengke.Taong 1992, tumawag ang tiya ko si Sally Mella nanay ni Arriz na tutulungan ako makarating dito saTorino. By agency Rosanna Mella business woman sa switzerland ako TNT ika nga. Nanghiram ang papa ko noon ng pera para pambayad sa agency at ng makarating na ko dito ay unti unti ko hinulugan. Five days kami nagtago sa Switzerland tapos naglakad sa bundok punta Milano tapos sumakay kami sa kotse papunta dito saTorino.

Nang makarating na ako dito sa Torino ginamit ko na ang pangalan ko Behwa Uy at nagpahanap agad ako ng amo sa tiya ko dahil super homesick na ako. Si sister Trining ang nagbigay sa akin ng work kay Console Masud sa Via Tolmino. Giornata ako at may kakopya na taga Etiopia at matagal akong nagtrabaho sa kanila. After 1 year lumipat sila sa Ponte Isabella San Vito isang Villa kaya stay- in na ako pero yong kakopya ko giornata pa rin. At dahil may bahay sila sa Bardonecchia nandoon kami pag July at August. Dalawang beses na nakontrol ako sa treno ng weekend at pinababa ako ng treno kaya pagbalik ko dito sa Torino pinauwi ako sa Pilipinas para mag asikaso ng papeles. Two years and seven months na ako sa kanila noon.

Pagbalik ko meron naa kong permit of stay. After 5 months namatay ang papa ko ng atake sa puso. Nagsimula nanghina ang katawan nang sunugin ang palengke ng san pablo last 1992. Kaya umuwi uli ako at sinamahan ako niArriz na aking pinsan at baka daw kung mapaano ako sa biyahe. Two weekslang kami doon tapos balik agad. Umuwi uli ako ng babang luksa ni papa 1week lang pagbalik ko dito nagpa kuwenta ako sa Apicolf ng liquidation at binigay ko sa amo dahilmarami kami utang na babayaran. Ang sabi ng amo kong babae wala na daw akong makukuha dahil lavoro nero ako. Sa sama ng loob ko humingi na lang ako ng ticket pauwi.

July 1997 umuwi na talaga ako kahit walang dalang pera. Naisipan ko sana na mag-apply sa Taiwan dahiln andoon ang dalawa kong kapatid na lalaki ngunit ayaw naman nila dahil mahirap ang trabaho doon at samahan ko na lang daw ang nanay ko sa tindahan namin. Di rin nagtagal pinaupahan na lang namin dahil mahina ang bentahan at mahina na ang katawan ng nanay ko tapos madami ng kalaban sa negosyo, marami na ang mga tindahan wala namang mamimili. Nag-try akong ipadala sa tiya ang original copy ng passport at permit of stay ko para kausapin si Consul Masud o ihanap ako ng ibang amo para makapag-renew.

After 2 years nabalitaan ko na lang nawawala daw ang papeles ko. Nawalan na ako ng pag-asa noon at nag-apply ako ng checker ng semento sa bayaw kosa bodega ng new city hardware San Pablo City. Nakapag trabaho naman ako at after 3 years ko sa work may isang pahinante na laging pumapasok ng may hang over at gusto akong hampasin ng kahoy! Idinemanda ko at nawalan s’ya ng trabaho . Nag-alala sina Ate Leila at bayaw ko na baka hantingin ako kaya tinawagan ni ate Leila si Tiya Saling na tulungan ako makabalik.

Ngayon ang tanong? Suwerte nga ba ako nanakabalik dito sa Torino after 9 years????Sa di sinasadyang pagkakataon nagkita ang Tiya ko at Signora Masud sa Meta negozio. Kinumusta ako at sinabi ni Ate Saling, “ayun no work no money”. Isinama si Tiya sa opisina ni
Consul Masud at sinabi na mag-apply ng panibagong passport at tutulungan makabalik. Nagpadala ng invitation letter ang Ambasciatori della Giordania ng Roma sa Italian Embassy kaya nabigyan ako ng visa pero walang papers na kasama kaya nagbayad ako ng agency para makalabas ng Pilipinas ng walang papeles pero original ang tatak ng visa.

Nakabalik ako ng March 26, 2006, bumaba ng Roma at sinundo ako ng Tiya at Veron, pinsan ko, sakay ng kotse. Anim na oras ang biyahe papunta dito sa Torino.Kinausap ko si Consul at pinaumpisa ako ng trabaho March 29, binigyan lang nila ako ng Carta Diplomatico sa halip na isurrender sa Questura at hawak daw ako ng Ambasciatore. Good for 1 year yon at tapos nirenew na naging good for 2 years mahigit! Yon pala gratis pag diplomatic carta! Last April 2009 nabalitaan ko na may darating na amnesty kinausap ko agad ang amo kong babae siya daw ang magsasabi kay Consul.

May 2009 biglang nagkasakit si Consul ng leukemia at lumala,namatay agad ng July 10, 2009. Dumating angamnesty ng September kaya para akong binuhusanng malamig na tubig sa pag-aalala. Kinausap ko ang amo kong babae pagkatapos ng libing. Di n’ya daw alam ang gagawin dahil maraming iniwang problema ang namatay. Kinausap ko uli s’ya at sabi ko aalis na ako para makahanap ng ibang amo na gagawa paramaabutan ko ang amnesty.Umalis ako tapos kinausap ng Tiya ko ang asawa ni Consul at pinabalik ako at gagawin na dawang papeles ko.

Nagtiis na naman ako sa ugali ng amo kong babae tapos lagi na silang nag-aaway dahil sa iniwang kayaman ng namatay. Palagi na silang nag-away at sakitan tapos ako ang pinag-iinitan. Isa pang ikinasama ng loob ko ay noong nabloccato ako sa ascensore ng villa for 2 hours with allarme. Simula noon ay naapektuhan ang pandinig ko. Napilitan na akong umalis dahil hindi ko nanakayanan ang nangyari noong May 17 ng hapon. Nag-away na naman ang mag-ina at kinagat ang braso ng anak. Humihingi siya ng tulong pero hindi ako agad lumapit dahil ayaw nga nila na makialam ako sa problema nila. Hinagis ng anak ang susi ngkotse sa akin at tulungan ko na daw. Nilapitan ko sila at pinakiusapan ang signora at natanggal ang pagkakagat sa braso, may dugo sa labi ng ina. Noong magpalit ng damit ang anak may nakadikit na mga balat. Nong gabing ‘yon nagdesisyon na akong aalis na at inayos ang mga gamit ko.

Kinabukasan noong umalis na papuntang opisina ang mag- ina ay dalidali akong umalis sa Villa na nakapagdala lang ng konting gamit ko. Marami akong naiwan sa villa. Kay Arriz ako pumunta kaya lang nag- alala din siya na masangkot kaya humingi ng tulong kay MindaTeves.

May 22 sinamahan ako ni Minda sa CISL para humingi ng proteksiyon dahil umalis ako sa amoko. Nakakuha ako ng malilipatan pansamantala kina Joy Magbanua at Annie Asis.Five months na walang trabaho dahil sa takot at baka kung anong gawin ng amo ko. Pinag member nila ako sa ACFIL para malibang at magkaroon ngmaraming kaibigan. Sumama sa mga activities nila. Nakakuha ako ng trabaho sa Ivrea pero naka-apat na buwan lang dahil hindi ako makatulog sa gabi sa ingay ng motor ng piscina. Sa ngayon siguro na naka 6 years na ako dito at ngayong March ko natagpuan ang suwerte ko sa amo. Matanda na mabait at inayos ang papers ko at nakaresidence pa sa kanya.

Last march pina cancel ko na ang kaso sa CISL at lumipat na ako sa CGIL. Ang hiling ko lang sana magawan na ng paraan ng CGIL ang liquidation ko sa ex- signora dahil 4 years akong nagtiis at nagpagod sa kanila. Noong una mapapalampas ko pero this second time around NO!

Salamat sa inyong lahat at happy working

Source:  ACFIL-s-Ang-Tambuli-April-2012-Newsletter