Featured Video: 39 Cebuano Workers in Distress

Share this:

39 Cebuano Workers in Distress

‎17 workers ng isang company ay kasalukuhang nakasampa ngayon ng kaso sa labor court laban sa kanilang company without the help of POLO kundi tayo lang.. Makikita at maiintindihan nyo sa video sa taas kung bakit ayaw nila na ang POLO-Riyadh ay makiaalam pa sa kaso nila sa saudi labor office.

Ang 17 workers na nagsampa ng kaso ay galing yan sa 39 workers na biktima ng contract substitution.. pero ang kinampihan ng taga POLO ay ang company pa.. sa halip na ipaglaban ang contract na naverify nila mismo ay kinumbinse pa ang mga workers na bumalik sa trabaho at kasabay ng katagang “love your company because your company loves you”

Papano naging 17 na lamang ang nagsampa ng kaso out of 39.. heto ang dahilan..

1. Makikita nyo dyan sa contract ng mga workers na verified ng POLO.. Model contract for 43 workers only.. 43 contracts lahat ang verified ng polo.. 43 cebuano workers din ang nagreklamo at nagstop work noon dahil sa hindi nasunod na contract. note sa 43 na yan ay may 5 na reprocessed contracts (meaning 5 dyan ay hindi ang name ng company na yan ang nakalagay sa contract)..

2. nang unang magstop work ang mga workers at pumunta sa ating POLO, ay pinadampot at pinakulong ng company yong apat na workers na suspetsa nila ay namuno. (that was early october i was in turkey at this time)

3. so 43- 4 naging 39 workers na lang. (nang makausap ko si labatt ang sabi nya ay sya daw ang nakiusap sa company na pauwiin na lang ang mga pinakulong na workers.. he he he utang na loob pa ng workers…

4. nang december unang nakausap natin ang 39 workers at yan yong video sa taas.. Nagsupply din tayo ng food sa kanila habang winowork-out nila ang kanilang case. Tumigil na sa pagwork at may banta pa sa kanila.. so, we had no choice but to advice the workers to file a case sa saudi labor office. Since wala namang POLO na sumusuporta sa kanila kailangan nila ang ating payo tungkol sa proceso.

5. Noong Demeber 19, habang nilalakad ng mga workers ang kanilang complaint sa saudi labor office. nagpatawag ng meeting ang company at guest speaker nila ay isang taga-POLO. Ang purpose ay pabalikin ang mga workers sa company at inofferan ng 800+200 kapalit ng 600 + 200. Hindi pumayag ang mga workers.

may video tayo nito … yong polo officer at may-ari ay nakaupo kaharap ng mga workers .. at ang katagang “love your company because your company loves you”

Five minutes after umalis ang taga POLO, ay may police na dumating at dinampot yong apat na workers na akala nila ay naglead sa 39. nagkagulo, dahil nagresist ang mga workers at naghahawakan.. nasaktan, may mga sugat sa mukha yong ibang workers dahil yogn finance officer ay nanapak na sa mga workers.

note: may video din tayo nito.

Tinawagan ko si labatt at hiniling na kung maari ay pabalikin ang taga POLO na pinadala nila doon.. Since ang taga POLO ay nandon na sa malapit na place at alam nila ang kaso ng mga workers.. dapat sila ang babalik at pagsabihan agn police na hindi ito maaring huhulihin. Ngunti ang sagot ay ATN case na daw ito dahil police case na… at malayo na daw yong tao nya doon sa pangyayari..

Tumawag na rin ako sa embassy, ngunit napakalayo ng tumama sa riyadh.. Salamat sa mga kasamahang saudi na nasa human rights at hindi pa nakarating ng police station ay nairelease kaagad. sabay hingi ng sorry..

6. Kinabukasan sinamahan ng ATN ng ating embahada ay sinamahan yong apat workers na nasaktan, nasugatan at dinampot.. nagfile sila ng reklamo sa police station.

7. Habang nagasikaso ang mga workers ng kanilang case sa saudi labor office. Nililigawan naman ng company at agency yong apat na nagfile ng kaso na umuwi na lang, may ticket na at exit visa once magfile lang ng withdrawal ng complaint sa POLO office. Pumayag yong tatlo at napauwi at ito ay mituturing na amicable settlement na rin sa reklamo nila sa police station

so 39 -3 = 36 workers na lang ang natira.

8. nakumbinse naman ng company ang 15 workers na bumalik, sa salary na 800 + 200.. hindi natin sila masisi dahil apat na buwan na silang nakastop work at walang nangyari dahil kalaban ang POLO Riyadh.

9. so, 36-15 = 18 workers na lang ang natirang lumaban sa saudi labor.

10. tumakas yong isa at wala ng information kung nasaan ngayon

so, 18- 1 = 17 workers na lang ang natirang lumaban sa saudi labor office.

11. finally naifile ng natirang 17 ang kanialng kaso at nasa primary commission na ngayon. as expected ang valid na contract sa saudi labor office ay yong may arabic, yong verified ng POLO Riyadh.. yong tinawag ng taga POLO na dummy contract ang valid contract sa saudi labor office. ang nakakatawa ang polo pa ang nagverfy nito.. napakalaki ang chance na mananalo ang mga workers..

12. since naisampa na saudi labor office then nakakuha na sila ng temporary permit to work sa saudi labor office.. at sinuwerte naman dahil mas malaki ang sahod na kanilang natanggap.

gusto ko lang maiparating ito sa inyo para naman ang 17 workers na ito yong tapos na ang contract at hindi pa napauwi.. at itong other 17 workers na nagfile ng kaso sa saudi labor office ay pagkatapos ng problemang ito. ay magreklamo sila laban sa agency, sa company para hindi na makapaghire ng mga filipino.. at karampatang parusa naman sa POLO Riyadh Labatt and officer na pumabor sa company na naging dahilan ng paghihirap ng mga kawawang workers..

ito lang po muna at sana malinaw sa inyong lahat ang pangyayari sa company na yan.

Video by  Tasio Espiritu

Share this: