Dakilang Inang OFW – isang sanaysay para sa “Araw ng mga Nanay”

OFW Sallie V. Salut
Share this:

Tumutulo ang luha ng siya ay paalis, nalulungkot, walang kibot, walang imik. Habang paglipad ng eroplano’y papalapit, sobrang sakit ng damdamin kanyang impit.

Mga unang araw ng kanyang trabaho ay kayhirap, Nangungulila sa anak, laging hinahanap, sa kanyang pagtulog, luha’y pumapatak, kailan kaya muli anak ay mayayakap. Di nya inalintana ang puyat at pagod, Mga anak lamang ay kanyang maitaguyod. Mapapag-aral at konting luho ay masunod, kahit napapagal ang katawan sige pa rin ang kayod.

Marinig lang ang tinig ng anak sa telepono, pananabik niya unti-unting naglalaho, masaya kahit na may kirot sa puso, Sapagkat namimiss ng sobra ang anak nito. Lilipas ang mga araw, buwan, at taon, maraming mga nalampasang okasyon at pagkakataon, ngunit umaasa at hindi maglalaon, Makakasama muli sila sa darating na panahon.

Malaking sakripisyo ng isang Inang OFW, Ang paglayo niya ay hindi niya gusto, Pero dahil sap mahal na anak at kinabukasan nito, Ang lahat ay titiisin niya habang nasa malayo. Dakila ang mga Inang OFW, nasa ibang bansa.

Karapat-dapat na parangalan at sadyang kahanga-hanga, mga babaeng nakikibaka at taglay ang natatanging lakas nila, karapat-dapat na irespeto ng kahit na sino pa… HAPPY MOTHER’S DAY TO ALL MOM’S

Editor’s Special Note:  Si OFW Sallie V. Salut ay isa sa mga aktibong kababaihan na kasamahan natin sa Patnubay.  Sya ay nagtrabaho sa SSWA o Saudi Social Welfare Administration ng Al Ahsa Region.

Share this: