Featured Video: One Thursday Afternoon with Ka Arnel Codera

Share this:

One Thursday Afternoon with Ka Arnel Codera

17 workers na sa February 2012 pa na tapos ang contract at tumigil na sa trabaho pero hindi pa rin pinauwi ng company.

Wala ng makakain dahil wala ng trabaho.. Wala pang specific date kung kailan makauwi. Lumapit na sila sa POLO Riyadh noong February pa. kinuha lang daw ng labatt ang kanilang mga pangalan.

Sa bakala (sari-sari store ) sila umutang ng kanilang makakain sa araw-araw. Dumating sa punto na hindi na rin sila pinautang ng bakala dahil sa haba ng listahan.

As per Article 40.1 ng Saudi LAbor Law, obligasyon ng employer na pauwiin ang workers pagkatapos ng contract duration.. kasama sa obligasyon ng employer ang plane ticket, exit visa at pagbayad ng end of service benefits (ESB) ng mga workers. Kung meron mang ESB na ibigay ang company yon ay kukulangin pa sa pambayad sa bakala.

Kilala ang company na napakaabusado.. sa katunayan may iba pang 17 din na workers na naghabla ng kaso dahil sa hindi nasunod ang kontrata na napagkasundoan sa pilipinas. Lumapit sila sa POLO pero sa halip na ipaglaban ang contract na verified nila ay kinumbinse pa ang mga workers na tanggapin yong contract na pinirmahan dito. Ang nakakatawa ay tinawag pa daw ng labatt na peke ang contract na verified ng mismong tangapan nila. at ang totoong contract umano ay yong pinirmahan dito. Kaya ang mga workers ay nagsampa ng kaso sa saudi labor at nagattend ng hearing, lumaban ng sila lamang at walang POLO na kaibigan ng company.

April 27, 2012 – nagdala tayo ng pagkain at kunting halaga para doon sa 17 na tapos na ang contract duration.. ang donasyon ay nagmula sa mga kababayan na nagtrabaho sa stc.. at katulad ng kaso ng 17 na nasa labor court ngayon. malamang tayo na rin ang tutulong sa kanila na makauwi.

Words and Video by  Tasio Espiritu

Share this: