You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Essay: Sa Isang Iglap Lamang

“Ate, kumusta po?” isang pangbukas na bati sa akin mula sa chat ng isang kaibigan sa fb.

“Oi, mabuti naman, eto ako, busy sa pag raise ng pondo pang suporta sa proyekto ng aking kaibigan. Ikaw, kumusta?” ang masaya kong bati.

“Ok din naman po. Kita ko nga po sa mga posts nyo. Grabe! Bilib ako sa ‘yo.” ang sabi niya.

“Kailangan kaseng gawin, kawawa naman ang mga bata. Actually hindi ko project yun, sa isang kaibigang OFW na gusto din na makatulong,” ang sagot ko. “He he he, Bakit naman,” ito ang aking tanong.“Salamat anyway,” ang balik ko sa kanya.

“Ang galing po, kase iilan na lang ang mga taong handang magbigay ng oras at tulong sa iba.” sabi ng aking kaibigan.

“Sa mga naranasan ko, iisa ang natutunan ko na araw araw ay aking iniisip: Maikli lamang ang buhay natin, totoo pala un, noon naririnig ko lamang, pero ng makita ko sa buhay ng isang kaibigan, nakita ko din ang katotohanan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na panahon, kaya gusto kong gawin lahat ng kaya kong gawin para sa iba, bukas, hindi man ako magising at ang kwento ng buhay ko ay matapos na, may naiwan akong bakas ng mabuting nagawa sa iba.” Ang pinakamasakit na bahagi sa buhay ng isang tao, yung gusto mong gawin ang lahat, pero alam mong wala ka ng panahon, lahat ay huli na, at hindi na maibabalik ang mga oras na nakalipas na. Ayokong mangyari na magsisi ako sa huli, dahil hindi ko nagawa ang mga bagay na kaya kong gawin para sa iba. Ang mahaba at madamdamin kong tugon.

Unti unti ay biglang nabago ang aking mood, naapektuhan sguro ng aking mga sinabi. Hindi ko naiwasang isawalat ang aking kalooban, kahit na nga sa chat lamang kami nagkakilala. Ang pagkawala ng aming kaibigan ang naging daan upang kami ay magkakilala. Dahil dun bigla akong nagbiro, “O drama yan ha,” upang hindi lumalim ang lungkot na aming nararamdaman. Dala pa din namin sa puso ang kirot ng hindi pa natatagalang paglisan ng isang espesyal na kaibigan. Sa sinabi ko ay medyo gumaan ang aming usapan.

“Hehehe, ok lng po, yun naman talaga ang totoo. Noong una din po sarili ko lamang ang iniisip ko. Pero lahat pala pwedeng magbago sa isang iglap lang,” ang tugon niya sa akin.

“Tama ka, ang pagbabago pala isang iglap lamang. Lahat pala ng hawak mo, pwedeng mawala, kahit ayaw mong bitiwan. Katanyagan, kayamanan, kaligayahan, pag ibig, kahit na nga ang buhay. Lahat ng ito, may katapusan,” at muling bumalik ang seryosong usapan.

Totoong ang pagbabago ay dumarating sa isang iglap lamang.  Minsan may isang pangyayaring biglang dadating sa buhay at babaguhin lahat sa yo, ang pananaw mo, ang prinsipyo, kahit na ang takbo ng buhay. 

“Ang pinakamasakit na bahagi buhay ng tao, ay ang dumating ang pagkakataong kay dami mong gustong gawin pero kulang na ang oras mo. Sa aking natutunan, ayokong dumating ang panahon na magsisi ako sa huli dahil hindi ko nagawa ang dapat kong gawin para sa iba. Sa sinabi kong ito, tuluyan ng nangilid ang luha ko. Ok lamang, tao lang ako na naapektuhan ng damdamin.

Natapos ang aming pag uusap at patuloy pa din akong nag isip. Naglaro sa aking isipan ang mag sinabi ko. Hindi ako mayaman, isang kahig isang tuka kung tagurian. Marami din ang mga suliranin sa aking buhay, minsan sobra sobra pa at sunod sunod na halos ayaw akong tantanan. Pero bakit nga ba? Sa kabila ng lahat ay narito ako at nag aabala para sa ibang tao na hindi ko alam ang mga pinagmulan o patutunguhan?

Katulad ng lagi kong sinasabi. Ang makita kong maayos at buo ang aking pamilya kahit may kahirapan, ang magkaroon ako ng ilang tunay na kaibigan, at ang magising ako na may pag asang matatapos din ang aking paghihirap at ang problema’y magkakaron ng kalutasan. Kung tutuusin, sapat na ang mga pagpapalang ito upang ako ay magpasalamat at ibalik sa aking kapwa ang mga blessings na aking natatanggap.

Naniniwala ako na ang buhay ay mas magiging makabuluhan kung hindi mo ito iaalay sa sarili mo lamang. Kung ang Diyos ay laging nandiyan para sa aking pangangailangan, sino ako para tumalikod sa aking pananagutan?

By: Marizcelle Puertellano

Image Sources: 

  1. https://www.facebook.com/pages/Sensitive-Hearts/127839093974385
  2. https://www.facebook.com/pages/Unconditional-Love/2628421
  3. https://www.facebook.com/pages/A-Glimpse-Into-The-Inner-Workings-of-My-God/19111644090599476246