Poetry: TUNAY NA PAG -IBIG

Share this:

Isip ko’y gulong–gulo,
lilipad-lipad na walang
patutunguhan,
Paligid ko’y tila isang ulap
na pagkalinaw-linaw…

Tubig ng dagat sumasalamin
Sa kalawakan at na uma-aninag
sa buong kapaligiran…

Bulaklak na humahalimuyak
sa bango, at malakas na hangin
na dumadapo sa lumalangitngit
na kawayan…

Agos ng tubig sa ilog na
walang katapusan at huni
ng mga ibon sa kakahuyan
na nag-aawitan…

Parang pintig ng puso ko’y
nagpapahiwatig ng aking
tunay at walang
pag-aalinlangang pag-ibig
na ialay ko sa iyo aking sinta.

Share this: