You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Poetry: SANA PAGKATAPOS NG SONA…

sana ako ay bata na lamang…
sana ako ay puro laro lamang….
sana mula umaga hanggan gabi…nandiyan mga kalaro sa kin tabi…
hawak hawak kahoy na baril barilan tumakbo sa loob ng eskwelahan…
sana ako ay bata na lamang…

sana indi ko na lang alam kung ano ang demokrasya…
nagbibigay daw ng malawak na oportunidad para sa bawat isa…
sana indi ko na lang alam kung ano ang pulitika…
na kasing langsa ng amoy ng isang buwaya…
sana indi ko na lang alam kung ano ang SONA…
na sana indi na kami umasa….
sana ako ay bata na lamang na walang teynga…

sana indi ko na lang alam ating bayan sadlak na sa kahirapan..
sana indi ko na lang alam ating bayan nabubulok na dahil sa katiwalian..
sana indi ko na lang alam ating mga kababayan hanggan ngayon mula noon
pinaglalaruan ng mga halal ng bayan…
sana indi ko na lang alam aming ibinoto noong halalan puro kurakot mula sa kaban ng bayan…
sana ako ay bata na lamang kapos sa alam…

sana indi ko na lang alam ating kababayan kapos na ang pinagkakakitaan..
sana indi ko na lang alam sikmura ni Juan ay kumakalam….
sana indi ko na lang alam diyan sa ating bayan maraming Juan na alang matirahan…
sana indi ko na lang alam mga natawag na pag asa ng bayan indi maka pasok sa eskuwelahan…
sana indi ko na lang alam maraming nanay na salat sa gatas para sa kanyang inakay…
sana indi ko na lang alam pagamutan diyan sa ating bayan ay nakakandado para maralitang si juan…
sana indi ko na lang alam itong si kabayan na nangangamuhan sa lupa ng mga dayuhan ay luha ang puhunan…
sana ako ay bata na lamang….

sana indi ko na lang alam ang SONA AY puro kabulastugan laang…
pagalingan ng barong at saya…pagaraan ng kani kanilang kalesa…
sinumpaang pangako serbisyo nakalimutan na …
dahil lamang sa kamal na impluwensya at kinang ng pera…
sana indi ko lang nakinggan ang pangatlong SONA…
sana ako ay bata na lamang malayo sa napakaraming SANA sa nakalipas na SONA…

Sana sa SONA…