Hunger Strike: Sino ang nagsasabi ng totoo, Migrante o Embassy?

Share this:

Mainit na isyu ngayon ang pag-hunger strike daw ng isang grupo ng mga distressed workers  sa loob ng embahada (POLO) ng Riyadh.

Pinanindigan ng  grupong Migrante na totoo ang kanilang kwentong nag-hunger strike ang mga workers. Mariin namang itong itinanggi ng ating embahada. Sino kaya sa kanila ang nagsabi ng totoo?

Ito ang ating alamin

1. Ito yong unang kwento na lumabas sa Manila Bulletin noong July 20, 2012 (unang araw ng Ramadhan)

Link 1 – 180 OFWs Stage Hunger Strike In Saudi Arabia

2. Sinagot naman ito ng ating Embahada at ito yong kanilang press release noong July 22, 2012

Link 2 – Philippine Embassy Belies Report on Hunger Strike by 180 OFWs in Riyadh

Akala natin ay tapos na ang isyu pagkatapos makapagpaliwanag ang ating Embahada, hindi pa pala.

3. Heto ang bagong press release ng Migrante nitong August 1, 2012.  Naglagay sila ng mga photos para daw patunay na naghunger strike ang mga workers sa embassy.

Link  3  – Saudi 194+ on strike, camp-out at PH embassy in Riyadh

Reaction :

Please check this photo na kasama sa press release nila.  Okay din itong hunger strike ng Migrante.. Bakit nila naisama ang photo na  kumakain itong mga tao?

Makikita nyo dyan sa photo na yong isa may isusubo na tinapay, yong isa kumuha ng tinapay sa balot yong isa, puno yong bibig.. Kung sakali napansin nyo yong paligid na may mga basura. Yan ay dahil kailangan nilang magtago para kumain. Bawal kasi kumain in public sa araw ng Ramadhan. Tinaon rin kasi ng Migrante ang kanilang kwentong hunger strike sa unang Araw ng Ramadhan kung kailan mag-umpisa na bawal ang kumain sa public places.

Teka papano naging 194 + yan.. kahit bilangin mo paulit-ulit ang mga tao sa lahat ng photos, hindi yan aabot sa 20 ka tao..

Sa Patnubay kung may distressed na lalapit sa atin ay hindi natin gugutomin. Distressed na nga tapos hindi pa natin pakakainin. Kung walang pagkain ay dadalhan natin ng pagkain. Papano nila maipaglaban ang kanilang karapatan kung hindi sila kakain? Papano kung magkasakit sila eh di lalong lalaki ang problema.

Ang ating pagtulong ay hindi lang para sa pagresolba ng problema ng workers kundi pag-uplift din sa kanilang morale, Turoan natin silang lumaban para sa kanilang karapatan.  Kawawa na nga ang mga distress, gagawin pa ba natin silang mukhang kaawa-awa? Maganda kasi kung yong ang ipapabalita ay naapi man pero lumaban. Tinulongan ng isang ngo at mga kababayan at  nanalo.. Hindi yong ginagawang kaawa-awa lalo yong mga tao.

Higit sa lahat tayo sa patnubay ay para sa katotohanan dahil yan ang ating sandata para ma-ipaglaban ang mga karapatan ng mga naapi. Hindi tama yong gagawa ng script na hunger strike. Gagawing kawawa yong mga ofws para lamang may maipalabas sa media na tumutulong katulad ng ginawa nitong migrante. Hindi tulong ang ganyan kundi vested political interest lang nila. Ginagamit nila ang mga distressed workers para sa kanilang sariling agenda  and sadly ginagamit nila ang gullible media para maipalabas ang kwento ng migrante for easy money.

4. Ito naman yong latest na press release ng Philippine Embassy nitong August 2, 2012.  Ito ay bilang kasagutan sa pinagdiinan ng Migrante na hanggang sa kasalukuyan ay may nag-hunger strike pa rin daw na mga workers.

Link 4  : Philppine Embassy Press Release

Reaction:

I think nasagot na ng embahada sa press release  at sa mga photos sa link na ito kung nag-hunger strike ba talaga ang mga workers or hindi.

5.  Pero hindi pa rin tumigil ang Migrante at nagissue sila ng panibagong press release kahapon, August 2, 2012. Sa press release nila ay tinawag nilang sinungaling ang Ambassador.  Ginawang showcase naman ng Migrante ang bond paper na placard para patunay na naghunger strike talaga.

Link 5 :  Migrante slams ambassador for lying about hunger strike

Nagpaprint pa ang migrante ng mga ganitong papel para bit-bitin ng mga workers as placards.  At  ito daw ang kanilang katibayan na naghunger-strike talaga ang mga workers.  Bond paper as evidence for a hunger strike?

Ginawa ng Migrante na maging sunod-sunoran itong mga workers sa kanilang gustong ipapalabas sa media. Inaalipin nila ang pag-iisp ng mga tao sa halip na ma-empower. Natural lamang na susunod itong mga distressed sa gustong ipaggawa ng Migrante dahil lahat na sa palagay nilang makakatulong ay gagawin nila. Sa halip na bigyan sana ng pag-asa ay ginawa pa nilang lalong kawawa. Sa halip na pakakainin ay ginawa nilang mukhang gutom.

Nakita nyo naman sa photo na ito  na kumakain ang mga workers. Ang nakakatawa ay isinama pa ng Migrante ito sa kanilang press release for hunger strike. Malinaw na gawa-gawang kwento lang ang hunger strike para may maipalabas ang Migrante na sensational story sa media. (As usual)

Anyway, may  hunger strikes naman talaga, when HUNGER STRIKES, eat!

Pangtapos

Bilang isang Muslim ako po ay na-insulto sa pinalabas na kwentong hunger strike ng Migrante na itinaon pa sa unang araw ng buwan ng Ramadhan.  Ang paggawa ng  kwento para mapansin ay hindi tama, ito ay isang kasinungalingan.. at para sa akin na isang Muslim, ito ay isang pambabastos at pananadya laban sa aming pananampalataya. Pwede naman silang maghunger strike a week before kung gusto nila. Itinaon pa talaga nila sa unang araw ng Ramadhan!

Ngayon naman sa bagong balita nila ay tinatawag pa nila na sinungaling ang isang kapatid nating Muslim? Na kung tingnan nyong mabuti ang mga details sa taas, sila naman sa Migrante ang mga sinungaling.

Si Amba, katulad ng mga kapatid nating Muslim, ay nagfasting din ngayon. Tuloy-tuloy yan hanggang sa katapusan ng buwan ng Ramadhan. Maliban sa hindi pagkain at pag-inom sa loob ng labin-limang oras sa bawat araw ay bawal din sa amin ang gagawa ng masama at bawal magsalita ng masama. Bawal sa amin magreact laban sa mga masamang salita laban sa amin. Bawal sa amin ang magalit at lalong bawal sa amin ang mag-sinungaling.

Pero heto ang Migrante nagprovoke.. nanadya at ang isang kapatid nating Muslim ay tinatawag pa nila na sinungaling.. Samantalang sila naman sa Migrante ang mga sinungaling.

Sinadya ba nila yan dahil alam nila na limited ang magiging reactions at emotions ni Amba. or wala na talagang respeto ang Migrante  sa pananampalataya ng iba?

Share this: