Featured Tula: Ngiti sa iyong Labi, Panaginip

Share this:

 Ngiti sa iyong Labi

Pagmasdan mo ang iyong labi
na parang laging nakangiti
ngiti na nagbibigay ng kulay sa
iyong buhay at kapag nakita ng
iba ay sobra ang kaligayahan na
ibinibigay…

kapag ika’y nakatawa ang puso ko’y
tuwang-tuwa, humahalina parang
bulaklak sa harden na humahalimuyak
sa ganda,at walang katumbas na halaga
ang taglay na kaligayahan…

PANAGINIP

Ako’y naglalakad sa mahabang daan,
sa bandang kanan ng aking nilalakaran
dalawang ibon ang nagtutukaan,
para silang isang taong nagmamahalan

sa bandang kaliwa naman ay dalawang pusa’y
naglalaro tila may isang maliit na bagay na
pinag-aagawan.

napahinto ako sa aking nakita ,
dahil kung ihahambing mo sila isang tao’y
hindi malayo ang kanilang pagsasamahan.
bawat galaw nila’y pinag-iisipan.

kaya tayo mga tao’y gayahin lamang ang
aking naisipan tulad ng pusa’t ibon
hindi nagkakalayo sa kanilang mundo
at ginagalawan.

Itinuloy ko ang aking paglalakad hanggang
sa isang sigaw na aray ako’y napamulat,
at sa bandang ibaba ng aking kama
ako’y nakahiga… aayy umaga na pala.
hehehehehe

Share this: