Featured Tula: PANAGINIP

Share this:

Ako’y naglalakad sa mahabang daan,
sa bandang kanan ng aking nilalakaran
dalawang ibon ang nagtutukaan,
para silang isang taong nagmamahalan

sa bandang kaliwa naman ay dalawang pusa’y
naglalaro tila may isang maliit na bagay na
pinag-aagawan.

napahinto ako sa aking nakita ,
dahil kung ihahambing mo sila isang tao’y
hindi malayo ang kanilang pagsasamahan.
bawat galaw nila’y pinag-iisipan.

kaya tayo mga tao’y gayahin lamang ang
aking naisipan tulad ng pusa’t ibon
hindi nagkakalayo sa kanilang mundo
at ginagalawan.

Itinuloy ko ang aking paglalakad hanggang
sa isang sigaw na aray ako’y napamulat,
at sa bandang ibaba ng aking kama
ako’y nakahiga… aayy umaga na pala.

Share this: