You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Italy: FINANCIAL LITERACY SEMINAR

FINANCIAL LITERACY SEMINAR
ni: Gina dela Cruz

Muli na namang naisakatuparan ng ACFIL na maipaabot sa ating mga kapwa OFW ang layunin ng FINLIT seminar sa tulong ng FEDERAL LAND noong September 23, 2012. Ang mga dumalo ay karamihan na mga miyembro ng ONE GANAP GUARDIAN.

Ang seminar na ito ay hindi lamang usaping pansalapi kundi pati rin ang mga bagay na may kaugnayan sa mga taong importante sa ating buhay at kasama rin ang mga pangarap ng ating pamilya. Mula sa ACFIL at sa mga FC’s ng Turin muli kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo.at nakiisa. At sa mga hindi pa nakadalo sana’y makasama namin kayo sa mga susunod na seminar.

I’ve learned a lot from this seminar, now I know how to manage the money that I’ve earned and opening my mind how and where to invest for the assurance of my future.I learn to limit myself, not to buy things which are not necessary and prepare myself to reintegrate in my country. – Rosalyn C. Penaranda

Very interesting and I learned a lot from all the topics. Thanks!! – Norein Roman

Maganda dito ko po natutunan kung paano mag invest ng pera at sa pagtanda ay may aasahan kang ipon at kung paano magtipid. – Rebecca S. Cercado

Natutuwa po ako at marami akong natutunan sa kung paano mag-budget at kung paano mag invest for the near future. Not only for me but also for my family. – Angelita Coronado

Ang masasabi ko sa Finlit ay good po, maganda po ang explanation at nakakapulot ng aral regarding saving, investing and family relationship and more. Good luck and more power. – Jeana S. Zamuco

First of all I would like to give thanks to all the organizers at nabigyan ulit ako ng opportunidad. Very intresting talaga at puwede nating i-apply sa ating araw araw na pamumuhay for budgeting and investing our income. Sana maulit uli. God bless and more power. – Brenda Reyes

Maganda sulit ang maghapon kung pakikinig marami akong natutunan sa pagbudget ng pera at paghahanda sa kinabukasan. Sana lahat ng OFW’s ay magkaroon ng panahon para makadalo sa seminar ng Finlit. Mabuhay ang ACFIL.- Mariter C. Robles