You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: BUHAY NAMIN AY OFW

Buhay namin ay OFW ito kami, nagsasabing
Kami ay PILIPINO taas noo kahit kanino
hindi natatakot sa kahit anong pagsubok sa buhay,
BAGONG BAYANI ng ating LIPUNAN
Kami ang bukas, inilaan ng DIYOS para
magsumikap at mangarap sa magandang hinaharap…

Nilikha nya mga OFW maging masipag para
sa inyo’y katuwang sa mga pangarap umasenso,
kabilang kami sa URING MANGGAGAWA, na
nagbigay sigla sa ating bansa nagpaparamdam na
hindi kami ka iba sa inyo, at taliwas sa iniisip n’yo…

Tayo’y magsama-sama, at magkahawak kamay
sa pagsulong sa iisang adhikain at kinabukasan,
haharapin ang darating na pagsubok sa anumang
hamon ng buhay, anong pagdurusa ay kakayanin
Sa ngalan ng ating POONG MAYKAPAL ang
syang nakaka-alam…

Iisa ang ating pangarap na makaahon sa matagal
ng naramdaman paghihirap. Kya kami napadpad
sa ibayong dagat. Pangarap nyo, pangarap din
naming lahat mga OFW, kya huwag kami ang
pahirapan nyo mag-isip ng ibang nakakabuti at
nakakapag-palakas sa aming pag-iisipan at ng
magkaron ng masagana at kapaki-pakinabang na
buhay…

SUPILIN ang 100% INCREASE ng PHILHEALTH