You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Matagal nagtiis na mawalay sa pamilya upang kumita ng kakaunting salapi para sa mga naiwanan sa Pilipinas, Sa pagka-akala’y paghahanap buhay sa labas ng bansa ay maganda’t mahusay, ngunit ang kalalabasan ay pagdurusa…

Init at pait ang nararamdaman dagdag pa dito ang paghihinagpis, pagtitiis, lumbay at lungkot ang dinanas. Sarili’y tinitiis Dugo’t pawis ang ibinuwis…

Anu-ano pa ba naman ang gusto ng ating gobyerno sa ating mga OFW. Sobra-sobra na at kalabisan na ang inyong pinaggagawa sa amin…

Hanggang ngaun pa ba naman hindi pa nakuntinto sa ating mga naibigay. Dagdag kaltas na naman pang puno sa kanilang pansariling kakulangan…

PHILHEALTH hindi namin obligasyon na pondohan ang healthcare system ng ating bansa at GOBYERNO natin ang may responsibildad ng lahat…

Anu-ano na lang ang inyong naisipan makagawa lang ng kalokohan sa aming mga OFW inyong bawasan sa katiting na kinikita at pinaghihirapan…

Ginang at Ginoo na tagapanukala huwag na kayong gumawa ng ibang bagay na nakakapanghina ng aming kaisipan dapat sa inyo’y pagplanuhan ang bagay-bagay na mapabuti ang lahat ng aming kalagayan upang mas-gumanda pa ang kalalabasan ng aming paghahanap buhay sa labas ng ating bayan…
PHILHEALTH BIG NO SA INCREASE