You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: SIYA SI KA ‘TAS…

SIYA SI KA ‘TAS…
by: Zhariya Silvestre Camid-Alamada

Isa sa mga taong aking hinahangaan…
Tumutulong sa atin makipaglaban sa karapatan
Bilang manggagawa sa gitnang silangan
Siya’s haligi ng tahanang ating sinisilungan

Ilang beses ng nilapitan ng pasaway na kabayan
Nakakabuwiset man ang nagawang kasalanan
Sa huli naman ay hindi pa rin matanggihan
Itong si kabayan na nalihis ang kapalaran

Maanghang ang salita minsan nitong si idol
Lalo na sa mga sutil na tahol ng tahol
Sa mga mapanamantalang lider sya ay tirador
Kasama ng ilang makikisig na mga kuya kong mala-Thor

Kung gagawa ako ng tula ukol sa kay Ka Tas
Mauubusan ako ng pang-uri sa aking balagtas
Pero ang araw na ito’y di ko mapapalampas
Ang pagbati koi sa kanya’y aking ikukumpas

Dalangin ko sa kanya’y marami pang taon
Malusog na katawan at maliligayang panahon
Sa Saudi Arabia sya man ay kailangang lumaon
Magkita pa sana kami sa iba pang pagkakataon…

Bago ko man ibaba itong pulang telon,
Maligayang pagbati idol, meron bang pakaon??? :P

 

Count on Me by Bruno Mars featuring Tasyo
Video Shots and Editing by Roland Blanco
 

Photo by Timothy Cortez Ignacio