You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

SOS: OFW Raymundo P. Daniel

OFW Speaks : Raymundo Pacho Daniel

September 22, 2011, nang-una naming makausap si OFW Raymundo Daniel sa Jeddah. Sa aming panayam ay nalaman namin na sya ay may karamdaman sa kidney. Ngunit, ninais ni OFW Daniel na manatili sa bansang Saudi Arabia para umano hahaba pa ang kanyang buhay. Dahil sa Saudi Arabia libre ang kanyang pagpagamot.

Dec 4, 2011, kinumusta ng patnubay si OFW Raymundo Daniel. Sinabi ni OFW Daniel na nasa Jeddah pa rin sya. Sinabi ni OFW Daniel na tumigil muna sya sa pagtratrabaho at nag-iipon pa sya ng lakas. Tuloy naman ang libreng dialysis ng gobyernong Saudi sa kanya kahit sya ay undocumented.

Humiling sya ng tulong at supporta para sa kanyang araw-araw na pangangailangan. Pagkain, pamasahe papunta sa hospital at kung ano mang maitutulong sa kanya. At ang Diyos na po ang mag-balos sa inyong kabutihan.

Tinanong ng pantubay kung gusto nya bang umuwi. Ang sagot ni OFW Daniel ay ang mailibre lang daw ng PCSO sa kanya ay isang dialysis sa loob ng 60 na araw. Hindi katulad dito na every other day plus libre pa ang gamot. Gusto nyang umuwi sa Pilipinas kung mayroon lang makakatulong sa kanya.

Si OFW Raymundo Pacho Daniel ay taga-Siquijor. Nakatapos sya ng pag-aaral sa FEATI University. Ang pangalan nya sa Muslim ay Mansour. Sa mga nais tutulong at makipag-usap kay OFW Daniel maari lang po ay bumisita sa Contact Us page ng Patnubay Online at url Patnubay.org.

 Reactions:

Jun S. Aguilar - Nakakalungkot mang sabihin pero napakahirap talaga ng kalalagayan ng mga kasama nating OFW’s na may malubhang karamdaman pagdating dito sa ating bansa. Si Ka Tony Apolto at Froi Bagalawis ng Riyadh, mga dating OFW Leaders na ngayon ay parehong nagdaranas ng hirap dito sa Pinas. Si Froi ay isa ring renal patient na tulad ni Raymundo, kinakailangang halos mamalinos para sa kanyang pagpapagamot at dialysis. Ang mga namatay nating kasamahan kailan lang (si Jose Pascual at Jovien Toledo) na matagal ng nailibing subalit pahirapan pa rin ang inaabot ng naulila sa pagkuha ng benepisyo sa OWWA at Paramount insurance. Napakaraming problema ang idinudulog sa amin dito, i can only wish that we can continue attending to them in whatever way we could.

Patnubay Riyadh – yes ka jun.. yan yong realidad.. na sumasalamin sa buhay ng ma ofws.. may mga kaklala rin ako noon, na ubos lahat ng ipon… Sa ibang banda, dapat marealize din ng media sa atin na ang bansang pinasama nila sa balita.. media na naniwala sa kasinungalingang kwento ng grupong Migrante at mga takas na ang alam na paraan para makauwi ay gagawa ng kwento ng rape.

Enrico Luga – It’s a vicious cycle… a pattern that needs to be blocked or cut. Unti unti nating ayusin.