You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: Construction Worker

Construction Worker
by Jovelyn Bayubay Revilla

Dito sa mainit na disyerto
Bitbit namin ay bigating kargamento
Akyat baba sa mga establisento
Sukat doon, dagdag dito
Kapalit ng libong sweldo
Sa pamilyang mahal ko

Buhay namin ay walang pinag-iba
Sa mga inday na kadama
Parehong nangungulila
Sa bayang maralita
Buhay natin ay nagdusa
Kayo man ay bilanggo at nag-iisa
Kami naman ay malaya pero ubos ang pera
Sa padala at lakwatsa
Para maibsan ang kalungkutang nadarama

Kung si Inday ay may Madam na tiger
Kami din ay masungit na foreman at manager
Ok lang sana kung si Kabayan ang aming lider
Kaso pag si ibang lahi utos ay napunta sa nowhere
Dahil mafe malom to much gerger

Kami ang OFW na matcho at may porma
Pag suot namin ang uniform na asul at pula
Mukha namin ay di mahitsura
Pag tag-init ay aarangkada
Mata namin na dilat sana
Maging tsinitong bigla
Pawis na nagsipatakan sa mata

Klimang tag lamig kami ay ala artista
Naghihintay ng yakap sa pamilya
Kay misis at kay dyowa
Kaso kami ay nasa banyagang lupa
Bawal ay mangalabit sa kabila
Baka rehas na bakal at di kami makalaya
Titiisin nalang ang pangungulila
Pasan ba’t makapiling din namin sila

Kami ang panday
Ang nagbibigay ng buhay
Sa mga bansang maraming tagumpay
Dahil kami ay may positibong pananaw sa buhay
OFW tayo ay MABUHAY

 

Si Jovelyn Bayubay Revilla ay OFW mula sa Qatar. Kilala siya sa pagsusulat ng kwento ng buhay ng OFW. Nagkaroon siya ng aklat na “Masaya Din Malungkot Din” na nailathala sa US. Co-author siya sa papalabas na aklat na Sindi Ng Lampara sa National Bookstore sa March 2013. Isa rin siyang anchor ng otusa.tv OFW Beso Beso.