You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Sabah Issue: Sino ang Panalo, Sino ang Talo? Si PNOY o Ang mga Pinoy?

Ang Tunay na Ama

Totoo na ang responsableng ama ay hindi kinunsente kung may kamalian mang nagawa ang isang anak.. Pero ang totoong ama ay hindi papayag na sasaktan ang kanyang mga anak kahit may kamalian man itong nagawa.. Simple logic, na hindi naisip ni PNOY…

At sa halip na makiusap at maghanap ng paraan para maresolba ang problema ay isinuko ni pnoy ang kanyang obligasyon bilang ama nating mga Pilipino. Sa halip ay ginatungan pa nya ang malaysia na saktan ang mga Tausog warriors.

At dahil hindi nya kayang bawiin ang kanyang mga binitawang salita, naghanap sya ng mga palusot. Kesyo daw marami ang nagclaim na Sultan of Sulu. Hindi pa nakuntento dinagdaghan nya pa ng isa pang walang kwentang palusot. May conspiracy kuno..

Kung alam nya na may conspiracy, sana ang ginawa nya ay yong hindi inaasahan ng conspirator na gawin nya.. Ano ba ang dapat ginawa ng ating Pangulo? Pumunta sa Malaysia o di kaya isa sa kanyang mga tauhan, sa Sabah mismo at sya makipag-usap sa mga warriors at yayayain nya pabalik ng Pilipinas kapalit ng pangakong ipagpatuloy ang laban sa mapayapang paraan.

Ngayon na marami ng namatay mula sa panig ng mga Tausog warriors.. Feeling panalo si PNOY,  ang talo ay tayong mga Pinoy.

Kabayanihan at Makabayan

Hindi naintindihan ng iilan o baka ng karamihan. Maaring dahil kulang sila sa kaalaaman sa kasaysayan o kamulatan sa salitang “kabayanihan” at “makabayan”.

Ang ating mga Tausog warriors ay nag-alay ng kanilang buhay para sa prinsipyo na matagal ng pinaglaban. Prinsipyong sadyang kinalimutan ng ating pamahalaan.

Ngayon na pinansin na ng UN ang sigaw ng ating mga bagong bayani. Sana ‘wag nang sayangin pa. Lahat ng katibayan ay nasa atin. Gawin ang nararapat na mababawi ang dapat ay para sa atin.

Pero papano mangyayari yan kung ang ating pangulo ay inutil, na sa halip na magtake advantage sa sitwasyon ay baligtad ang pinaggagawa at pinagsasabi, hanggang sa humantong sa mga walang kwentang rason. kesyo daw marami ang nagclaim na sultan, kesyo daw may conspiracy….

Maraming tagahanga ni PNOY na sa ngayon ay sobrang dismayado sa kanya. kung dati ang kanyang mga salita ay pinakinggan at pinuri.. ngayon ay nakakawalang gana gaya ng isang makunat na ampaw.

Ang ating mga Tausog warriors, sila ang patunay na may natitira pang mga bayani sa ating henerasyon na handang magbuwis ng buhay para sa isang adhikain na mabawi ang lupain na dapat ay para sa atin. Lupang inangkin ng dayuhan at pinabayaan ng mga tauhan ng pamahalaan na walang tunay na pagmamahal sa bayan.

Hindi masasayang ang dugo  ng mga Tausog warriors kung ang kanilang kamayatan ay naging daan para mabawi natin ang Sabah.  Kung mangyayari yan talo si PNOY,  panalo ang mga Pinoy.

Ang Palusot ng Malaysia

Malaysian Foreign Affairs Minister Datuk Seri Anifah Aman said “It is not payment for rent, but as cession,” he said.

Kapag katotohanan at katarungan ang tatapakan hahantong yan sa mga walang kwentang palusot katulad nito.

Pero kung ating titingnan ng mabuti ito ay isang pag-aamin ng Malaysia na ang tunay na may-ari ng Sabah ay ang Royal Sultanate of Sulu. Kailangan lang nating maipresenta ang mga katibaayang dokumento na ang agreement ay para sa RENT or LEASE.

At ngayon nagsalita na rin ang UN Secretary Ban Ki Moon na dapat itong idaan sa maayos na usapan. Doon na natin  ipagpatuloy ang laban sa UN, sa ICJ dahil ito na ang ating pagkakataon na mabawi ang Sabah.

Utang natin sa mga Tausog warriors. Kung hindi dahil sa kanila hindi mabuksan ulit ang issue na ito na matagal at sadya nang kinalimutan ng ating gobyerno.

Ano daw ulit sabi ng Malaysia? “It is not payment for rent, but as cession,”..

Ano kaya ang kanilang maging pinakahuli na rason? Hindi kaya ito “nagbibigay kami ng suhol sa bawat pangulo na nakaupo sa Pilipinas kapalit ng kanilang pananahimik sa issue ng Sabah.”

Hindi napunta sa wala ang kamatayan ng ating mga Tausog warriors naging malinaw na ngayon sa isipan karamihang Pilipino ang katotohanan. Dyan pa lang panalo na ang mga Pinoy. Talo ka PNOY dahil pinili mo ang tuwid na daan paatras.

Reactions from Patnubay Volunteers

Tasio Espiritu  Naintindihan natin ang mga Tausug warriors, lalo na ang kanilang mga leaders. Dahil napakatagal nang napabayaan na ang isyung ito.  At sa edad ng mga tagapagmana ng Sultanate of Sulu, ito na lang ang kanilang naisip na paraan para mabawi ang kanilang lupain; bago man lang sila bawian ng buhay. Itong pnoy sa halip na makiusap at maghanap ng paraan para maresolba. isinuko nya ang kanyang obligasyon bilang ama ng mga Pilipino. Sa halip ay ginantungan pa nya ang malaysia na saktan ang mga ito.

Roland Blanco – Paano nga ba maintinfihan ng isang INA ang ganyang logic? Hala.,.

Enrico Monsanto hindi maklaka-relate si Pnoy sa analogy mo pre, wala naman syang anak e.

Bernard Castillo Tama kayo ni Roland Blanco dapat ang analogy ay ANG BADING AT ANG MGA AMPON HIYA…

Dionesio C Grava Saludo ako sa mga kapatid natin na hindi natakot makipaglaban sa buong pwersa militar ng Malaysia samantalang ilan lamang sa kanila ang may baril. They fought for a just cause. I condemn President Aquino and other top officials of our government who apparently forgot that their first and foremost responsibilities are the welfare of our people.

Lito B. Soriano Hindi ko rin maintindihan ang position ng Palasyo. Ang puso ko at paghanga at panalangin ay para sa magigiting nating kababayan sa Lupaing Sabah.

Bernard Ciocson ang gusto ng mga may interest kagaya ng aquino & conjuangco, may parti sila sa sabah pag tuluyang ibinigay ng malaysia sa kiram family, purely business lang yan….

Bernard Castillo Pero tama din si Pnoy na may Conspiracy dahil isa siya sa mga KASABWAT…

Tasio Espiritu Hay Pilipinas kong mahal…

Dionesio C Grava Buong pusong maka P-Noy sana ako pero ngayon iba na ang pagkakilala ko sa kanya.

Roland Blanco Mabuhay si Shalani dahil namulat sya sa katotohanan

Roland Blanco Ngayon pa lang humihingi na ako ng gabay na wag na po sana akong magkamaling pumili ng presidentiable wahhhhhh palagi na lang….

Tasio Espiritu ako rin, kailan man hindi na tayo mangangampanya para sa isang kandidato.. leave our votes to ourselves na lang at least hindi na tayo masisi pa.

Dandy Sembrano what make it worst is they tried to inject politics in the situation by again, insinuating conspiracy and blaming Gloria AGAIN…

Junix J. Kuizon Pnoy is talking about maximum tolerance but the other party is using fighter jets. What a tool!

Roland Blanco Talo ka PNOY dahil pinili mo ang tuwid na daan paatras with matching PAKIMBOT-KIMBOT

Dionesio C Grava “President Aquino should decide once and for all if he is for Malaysia or his fellow Filipinos, and then walk the talk. Of course the President has to maintain friendly relations with Kuala Lumpur even when it is clear that the cunning Malaysians — aided by British and American official operators — are pulling his leg. How we wish the President were sophisticated and patriotic enough to find ways, even on the sly, to help his people against foreign interlopers.” – Federico Pascual in www.philstar.com

Junix J. Kuizon Unfortunatey, we have a fool for a president. Pnoy doesnt have a clue what to do.

Dandy Sembrano and while Filipinos are dying in Sabah, all they think of is winning the election. sabah-standoff-wont-affect-team-pnoy-bets-poll-chances-drilon

Dionesio C Grava These are critical hours when the lives of our countrymen are in grave danger and this Senator Drilon has nothing but politics in his coconut.

En Sa Lu Ang responsableng AMA… di hahayaan ang anak sa kapahamakan. Duwag lang siya kamo… history repeated itself.

Tasio Espiritu  To some morons Sabah is just a piece of land but to those who live up to the principles of patriotism, it is very valuable.. “Aming ligaya nang pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sayo….”

Roland Blanco to some ‘abnoy’ Sabah is just a piece of land…..haggang dun lang wahaha

Bernard Ciocson bai, kinanta ko din yan para sa Scarborough Shoal,,,”sa manlulupig, ‘di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, sa simoy, at sa langit mong bughaw”….

Bernard Ciocson tapos pinigilan ni PNoy mag protesta yong ex-marine natin na si Lim lumayag patungo sa Scarborough Shoal….ayan ngayon nilagyan na ng singkit na mga cable para walang maka pasok na mangingisdang pinoy doon, at sila ang bantay…

Lee Canete ANG PINAGLALABAN DITO HINDI ANG KAPIRASONG LUPA, KUNDI ANG PRINSIPYO AT KATOTOHANAN.

Jho Ledesma Tama! Si sultan kiram dapat suportahan dahil lahing pinoy yan.

Ronald Reniedo Salvio simply put: IT IS A MATTER OF CLAIMING WHAT IS RIGHTFULLY OURS PERIOD!!!..what’s holding the government?? it has been a “dormant claim” as the official statement of the gov’t but the recent development necessitates a strong and decisive stand regarding our claim. The process/fight will be long, arduous and could potentially strain our relationship but we must do it, and do it NOW! At least start the ball rolling….

Zhariya Silvestre Camid hati-hatiin ang pinas… pamigay nalang…

Enrico Monsanto i agree with bongbong on this one …www.abs-cbnnews.com

Bernard Ciocson pag naging malaysia na ang Kiram, isasama nila ang Sulu, kaya ang bansa natin magiging “Pilipina” w/o “s” na…lol

Editha Valderosa Cetro Hindi kaya nabenta na ng ating mga nagdaang Pangulo ang Sabah?? Nagtataka lang ako bakit hindi ipinaglalaban ng ating gobyerno ang ating karapatan sa Sabah being the rightful owner!! I am really puzzled sa mga statement na naririnig at nababasa ko mula sa ating Pangulo!! It is not just protecting the Filipino army BUT protecting the Rights of the Filipino People!!

Bernard Castillo Kinakanta rin ni Pnoy yan nasa dibdib pa ang kanang kamay pero ang kaliwa nasa bulsa nagbibilang…

Eipst Ju Walan akoy bilang isang TAUSUG…..mas gugustuhun ko pang hindi mabawih ang SABAH kung itoy mapa kamay ng GOBYERNO nang pilipinas…..

Minda Teves oo nga…kung nagkataon ay di hindi na sana ako nag abroad para magpakatulong..eh sa atin naman pala ang oil na yon..tsk-tsk..

Marvin Pador umpisa na ng tunay na laban……

Tasio Espiritu i forsee, a pnoy stepping down..

Romeo Paja Butron go fight for our land.allah bless and protect u .

Cenen Mendoza It’s about time that the rightful owner take his own property and reap the benefits that they were deprived of for so long….