You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: Linangin ang Kaisipan kabayan and Buhay Gitnang Silangan

Otiga Boyz

“linangin ang kaisipan kabayan”
By: Florante Dag-on (with Otiga Boyz)

sa buhay kailangang masaktan,
para matutong lumaban,madapa ka man
kailangang bumangon,mga bagay na
kailangang matutunan lalo na dito sa
gitnang silangan, lahat ng bagay dapat
isa alang 2x,di biro ang pagkaitan ng karapatan
lalo’t wala kang sasandalan kung sino lalapitan

dapat kang makialam,linangin ang kaisipan
wag hayaang lamunin ng nakaugalian,
sapagkat hindi tayu sunud sunuran,
ng ibang dayuhan,tumindig ka kabayan
anuman buhay mayroon sa gitnang silangan
kailangan maipaglaban para kinabukasan,

wag isiping masaklap buhay gitnang silangan,
sapagkat ganyan talaga buhay pakikipagsapalaran,
kailangan magpakatatag,lakas ng loob tibayan,
problema nga naman parang ulan,di mo alam
kailan dadaan, hayaan mo kabayan lilipas din yan
parang bahag hari sa unahan nagkikislapan
markado’t kulay buhay mayroon ka kabayan
sumisimbolo ano buhay mayroon ang lahing pilipino.

“buhay gitnang silangan”
By: Florante Dag-on (with Otiga Boyz)

madali ba buhay gitnang silangan
mga tanung na dapat mabigyan ngkaliwanagan,
sa pagyapak ko sa tinaguriang langis ng kayamanan,
baon ko ang kaba na animoy nagdidikta ano mangyayari bukas makalawa,
masarap isipin ng iba ang kaliwat kanan pustura na makikita sa bagong teknolohiya,

ngunit sa likod ng mukhang puro porma ang makikita, kaakibat pala ang pait at hirap
na ini inda,sa isipay pilit binubura makapagpadala lamang sa mahal na pamilya,
ano ba pinagkaiba buhay sa piling ng pamilya at malayu sa pamilya,
kailangan ba talaga ang buhay masagana o sapat na ang mabuhay sa piling ng pamilya,

minsan maiisip ng iba kung bakit kailangang malayu sa pamilya, isip ay naguguluhan
hinahanap ang nararapat na kasagutan.araw araw, buwan buwan,
bilang na bilang masilayan lamang ang lupang nakagisnan
minsan mailap ang buhay pakikipagsaplaran, sugal na dapat mong panindigan,

swertehan man o hindi pakikipagsapalaran ay dapat mong isa alang alang,
kaliwat kanang diskarte gagawin matugunan lang pamilyang nangangailangan
tiis at pawis sa gitna ng tirik na init kapalit ang perang pinaghirapan,
panalangin ng bawat pamilya pagbalik ni mama’t papa buo ang masayang pamilya
andyan si ate’t kuya, naglalaro kasama ang kumpleto at masayang pamilya,
wala ng hihilingin pa sama sama para buhay ay masaya..