You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: Sobrang pasakit sa bayan

Kumukulog umuulan dumadagundum ang kalangitan. Nagngingitngit, lumuluha, nagagalit ang damdamin ng taong bayan. Tinampalasan dinungisan at iniwan sa kadiliman, tulad ng punit punit na basahan. Inalipusta na parang Batang walang nalalaman napabayaan na nga ang ating Inang Bayan. Ito nga ba ang ating kapalaran?

Ilang taon na mabilis ang lumipas magpahanggang ngayon walang katiyakan, walang pagbabago, hindi man lang makasilip sa pag-asang kanyang hinahangad. Mukhang hindi na nga matitikman ang kagandahan ng buhay at mailap yata sa atin ang panahon na dapat natin matitikman ang kasaganahan ng ating Inang Bayan. Ito nga ba ang ating kapalaran?

Sa bawat araw patuloy ang pagsusumikap ng bawat tao’y sa pag-asang makamtan man lang sana ang kasaganahan ng buhay sa katawang halos ng mabuway at lupaypay, ngunit ito’y inapak-apakan, niyurakan ninakawan ang kaban ng bayan na pantustus sana sa ating kahirapan ng mga taong hangal at walang dangal. Ito nga ba ang ating kapalaran?

“Sobrang pasakit sa bayan”

Sa mga salita’t gawa nyo ay nagpapatunay,
Sa dila nyo ay Lumabas na ang tunay nyong kulay,
laway nyo ay tumalamsik, sing dumi ng inyong isip.
hindi mo man lang naisip sa damdamin ng nakakarami
ito ay napasakit.

Sakit ng ulo ay naranasan, kirot ng katawan ay natikman
matapaos ng naibulgar lahat ay nagkukunwaring walang
kinalaman at nagdedmahan sa mga nangyayaring kabulastugan.

Nag-ugat na ang galit ng buong sambayanan, sari-saring korokoro
na kung anu-ano gusto, ngayon hinihingi ng karamihan na magbitiw
na sa inyong kinauupuan at humingi sa PANGINOON at publiko
ng kapatawaran ng mabawasan man lang ang inyong kasalanan.