You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

To post or not to Post: Larawan ng Namatay at Larawan Bangkay ng OFW

Image Source www.telegraph.co.uk

Uso sa Facebook ang pagpakalat ng mga pictures ng namatay  na OFW or pictures ng kanyang bangkay.  May iba-ibang position, may iba-ibang facial expression, may sa tingin mo ay nahihirapan, may nakabuka ang bibig.

At may caption pa na “Please like and share para makarating sa pamilya”. Ang tanong kailangan ba talagang ilagay ang picture ng namatay or ang picture ng kanyang bangkay?

Sa Patnubay Online mangyayari lang yan kung HINDI identified ang taong namatay at dapat masusunod ang lahat ng apat (4) na conditions sa baba.

Conditions

1. walang nakakilala sa taong namatay
2. walang dokumento para malaman ang kanyang totong pangalan
3. wlang nakakaalam kung sino ang mga kamag-anak at address nila sa Pilipinas.
4. walang ibang paraan kundi maglagay ng picture at walang ibang picture maliban doon sa picture ng bangkay.

Mga Halimbawa

(1) Pananawagan: Kung sino man ang nakakilala sa kamag-anak ni OFW Juan de la Cruz, 43 years old na taga Carcar Cebu. Pumanaw po sya kagabi dahil sa sakit sa puso at ang kanyang bangkay ay nasa morgue ng Shumeisy Hospital ng Riyadh. Kung maari lang sana ay pakipayohan sila na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DFA Office para sa madaliang repatriation ng katawan ng kanilang kaanak. Ipaparating nyo na lang din po ang aming pakikiramay.

(2) Panawagan: May namatay po sa Jeddah at halos isang taon na sa morgue ng Hospital. Wala po syang identifications na dala nang syay inihatid sa hospital at hindi rin alam kung saan sa Pilipinas ang kanyang pamilya. Ang paglagay na lang ng larawan ng kanyang bangkay ang tanging paraan para makarating itong masamang balita sa kanyang pamilya. Kung hindi po ito maidentify sa loob ng isang buwan ay ililibing na ito sa Saudi Arabia. Kami po ay nakikiramay.

Malinaw sa mga halimbawa sa taas kung ano ang intention ng pagpost. Ang pagtulong lamang na maiparating ang impormasyon sa kanyang pamilya. Walang halong pa-epal or ano pa.

Sa pangalawang halimbawa, dapat media or embahada or konsulada ang magpapost ng ganyan. Maari siguro na individual ang magpost kung sya mismo ay nilapitan ng mga taga-hospital, or mga kakilala ng taong namatay at nakita nya na walang ginawa ang embahada or konsulada.

Pangtapos

Kung alam ang pangalan, alam ang address ng pamilya sa Pilipinas, at naiparating  na direkta sa kanila ay hindi  na kailangang magpost pa sa facebook. Maliban na lang kung may pahintulot ang pamilya ng namatay at sinabing “Oo sige ipost mo”

Respetuhin natin ang kanilang mararamdaman kung sakali makita nila ang picture ng bangkay kanilang kaanak na kumakalat sa facebook at alam na hindi na matitigil ang pagkalat nito.

At higit sa lahat respetuhin natin ang namayapang kababayan. Hindi isang pagrespeto sa taong namatay ang pagpakalat ng picture ng bangkay

Readers Reactions

Nancy Tambis Torrejos

Ay super korek po,mnsan sa halip na nkatulong ngbigay pa alalahanin sa pamilyang pumanaw…

Racz Kelly

Kapag may kaso or namatay na OFW, invisible ang share button sa akin..

Zhara Gonzales Aquino

Haissstt puro nalng qaloqohan mga walng mgwa sa buhay..astegfrallah

Imelda Posadas

naku!!! a few days ago me nagpost ng ganyan sa mga friends ko nakishare din ako… sorry, gusto ko lang makatulong sa pamamagitan ng pagshare din… if ever na di totoo yung naishare ko rin few days ago from kuwait yata yun with her picture … really , i am sorry naging careless ako…

Meneses Ching

ganun na siguro talaga..

Jovelyn Viernes

Di kc maganda tignan pero paano b maiwasan ang mga ganyan kung may mga pasaway

Aisah Balmaceda

Ay tama po talaga yon RESPECT ang dapat ipairal s both side s nmatay at s pamilya kya lang hangad n mkatulong kya share n rin kahit aq n mismo ay labag skin kalooban…

Bernard Castillo

saka madalas ipost nila yung problema lang na nangyayari tapos walang solusyon na ibinibigay.
minsan ganito ang post:

may nagtxt po sa amin na ganito ang pangalan at lugar ng probinsya sa pinas
siya ay hindi pinakakain at laging hinihipuan at gustong pagsamantalahan etc.
tapos sa huli ikalat po ninyo ito para makarating sa kinauukulan para siya ay matulungan.
ang tanong BAKIT HINDI NILA IPINARATING SA KINAUUKULAN AT KAILANGAN PANG IKALAT SA MGA TAO???

Abu Bakr Espiritu

Ang higit na nakakalungkot ay ang pagkamatay ng isang OFW ay pinagkakitaan pa.  Please share tapos sa gustong tumulong o magdonate ng cash ay tawagan lamang ang number na ito.  Ano kaya ang mararamdaman ng pamilya ng namatay na ginagamit ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay sa sariling interest ng ibang tao?

First posted in: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/621614644555480