You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: akoaypilipino.eu

Italya: Mga parusa sa employer na tatanggap sa undocumented immigrant

Source:  akoaypilipino.eu

Roma, Agosto 22, 2012 – Sa Artikulo 22 ng Immigration Act ay nasasaad ang krimen ng pagbibigay ng trabaho sa mga non-EU nationals na hindi regular o undocumented.
Sa katunayan ay nasasaad na ang mga employer na tumatanggap sa mga manggagawang dayuhan na walang permit to stay, o mayroong expired permit to stay at hindi nag-aplay ngrenewal nito sa panahong itinalaga ng batas, at ang renewal ay tinanggihan, ay paparusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan hanggang tatlong taon at isang multa ng 5000 euro para sa bawat manggagawa. (Ang mga parusang ito ay nasasaad sa D.L. 92 ng 2008).

Italia: Ministry of Interior – Ang Regularization ay para lamang sa mga walang permit to stay

Source:  akoaypilipino.eu

Roma, Agosto 6, 2012 – Ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng Circular n. 6410 ng July 27, 2012, ay nagbigay ng ilang paglilinaw ukol sa Legislative decree noong July 16, 2012 n. 109, (para sa transposisyon nang isang EU directive ukol sa mas mahigpit na mga parusa sa pagbibigay ng

Search for Bb. Pilipinas Italy 2012, gaganapin sa Roma

Source:  akoaypilipino.eu

Roma – Agosto 1, 2012 – Inaananyayahan ang lahat sa gaganaping SEARCH FOR BB. PILIPINAS ITALY 2012 – EIGHT  EDITION sa darating na Sept. 9 sa Teatro Vigano matatagpuan sa Piazza Fradeletto 17, Rome sa ganap na ala una ng tanghali.

Ito ay sa pangunguna ng Filipino Association of Talents in Europe (FATE) at ng TERMINI Association of Filipinos.

Italia: “Sa mga balita ko lamang nalaman ang tunay na ikinamatay ng aking anak” – Jacquiline

Source:  akoaypilipino.eu

Roma, Hulyo 24, 2012 – Matapos ang ilang araw ng katahimikan ni Jacquiline de Vega, ang ina ni Marcus Johannes de Vega, ang sanggol na namatay isang buwan matapos makipag sapalarang mabuhay upang lumaking kasama ang kanyang ina sa kabila ng ipinanganak ng premature ng 26 weeks. Ngunit dahil sa isang pagkakamaling naganap noong June 27, (gatas sa halip na saline solution ang dumaloy sa ugat ng bata) ang pakikipag sapalarang ito ng mag-ina ay tuluyang naglaho. Dalawang araw ang nakalipas, ay pumanaw na nga

Italia: Regularization? Sigurado na at hindi na lamang isang pag-asa…

Source:  www.akoaypilipino.eu

Roma – Hulyo 9, 2012 – Sa ngayon ay sigurado na, ang gobyerno ay inaprubahan ang isang bagong regularization, kahit pa higit itong gustong tawagin bilang “ravvedimento operoso” o “misura transitoria”. Ito ay magpapahintulot sa mga kumpanya at mga pamilya na nagbigay ng trabaho sa isa o higit pang mga undocumented immigrant upang maiwasan ang mga bagong parusang ipatutupad at sa mga dayuhan naman

Italia: Spending review, ano ito?

 

Source:  akoaypilipino.eu

Simulan natin sa pamamagitan ng pagsasabing ang terminolohiyang “spending review” ay karaniwang tumutukoy sa pagsasangguni sa lahat ng uri ng mga gastusin ng isang kumpanya o isang bansa hanggang sa pagsusuri sa iba’t-ibang mga proseso at pamamaraan kung paano ang mga ito ay matitipid at hindi masasayang.

Italia: Permit to stay ng isang taon sa mga nawalan ng trabaho. Ipatutupad simula July 18

Source: www.akoaypilipino.eu

Roma – Hulyo 4, 2012 – Narito na ang magsasalba sa marami. Ang mga imigrante na nawalan ng trabaho ay magkaroon sa lalong madaling panahon ng karagdagang panahon upang makahanap ng panibago bago tuluyang mawalan ang karapatan upang manatili sa Italya.

Italia: July 10, 2012, deadline ng kontribusyon sa Inps

Source: akoaypilipino.eu

Rome, Hulyo 2, 2012 – July 10 ang deadline sa pagbabayad ng mga kontribusyon sa Inps para sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo 2012 ng mga colf, babysitters at caregivers.

Conditional Cash Transfer o CCT program, hindi solusyon sa kahirapan sa Pilipinas

Source:  akoaypilipino.eu

Rome, Hunyo 20, 2012 – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga naghihirap at nagugutom sa Pilipinas. Patunay na ang Conditional Cash Transfer – CCT program o ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na Pilipino ay hindi solusyon sa problema ng kahirapan.

Italia: Expect Pinoy health workers in Italy soon

Source: akoaypilipino.eu

VENICE, Italy – A bilateral agreement that would allow the entry of Filipino health workers to Italy is expected to be signed by the two countries soon.

This was the good news relayed by Labor Secretary Rosalinda Baldoz to the Filipino community

Italia: Gusto ko ng umuwi ng Pilipinas. Ano po ang aking gagawin?

Source: www.akoaypilipino.eu

Rome, Hunyo 6, 2012 – Ang Ministero dell’Interno kasama ang Unione Europea, sa pamamagitan ng ilang International Migrant’s Association  tulad ng IOM (International Organization for Migration) ay may mga programa na makakatulong sa mga kusang-loob na babalik sa Pilipinas.

Italia: Tourist Visa, maaaring gamitin sa buong Europa?

Source:  akoaypilipino.eu

Roma – Hunyo 7, 2012 – European Union law. Ang pangunahing pinagbabatayang batas Ukol sa entry visa sa pagpasok sa European Union ay angSchengen Convention. Ito ay ipinatutupad sa lahat ng mga bansa sa Europa na pumirma at sumali sa kasunduan (Belgium, France, Germany, Luxembourg, Netherlands, Monaco, Portugal, Spain, Italy, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia, Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta, Switzerland at Liechtenstein)

Italia: Handbook on home care for the elderly, buhat sa Ministry of Health

Source: akoaypilipino.eu

Roma – Hunyo 19, 2012 – Ang mga araw ng matinding init ay nararamdaman sa Italya, ito ang tinatawag na”Scipione d’Africano”.

Ito ay partikular na mapanganib para sa mga matatanda, kung kaya’t ang Ministry of Health ay naglaan ng isang gabay sa anim na wika, kasama ang ilang mga rekomendasyon para sa mga

Italia: Family allowance (assegno familiare), narito ang bagong pamantayan sa sahod

Source: akoaypilipino.eu

Roma – Hunyo 18, 2012 – Pinapalitan, tulad taun-taon, ang mga pamantayan sa sahod para sa kilalang assegno al nucleo familare o family allowance. Ang website ng Inps ay inilathala ang mga bagong halaga na ipatutupad simula July 1, 2012 hanggang June 30, 2013.

Italia: 630,000 job offers, mga trabahong pang ‘migrante’

Source :  akoaypilipino.eu

Roma – Hunyo 5, 2012 – Ang krisis ay patuloy, at ang trabaho ay hindi palaging natatagpuan sa isang kisap mata. Ang mga sector kung nasaan karamihan ng mga banyagang manggagawa ay patuloy na nangangailangan ng mga personnel.

Mula sa data base ng Excelsior ng Unioncamere at data base ng Ministry of Labor, ang Hume Foundation ay hinanap ang mga kumpanya na nangangailangan ng mga personnel.

Ang pagbibigay ng utang bilang placement fee sa ofw, isang krimen?

Source: www.akoaypilipino.eu

Manila, June 7, 2012 – Oo,  ang pagpapautang at pagsingil sa overseas Filipino worker (OFW) ng isang recruitment agency bilang pambayad ng placement fee o mga POEA required fees para sa isang application for overseas work kung saan ang tubo o interest rate ay mataas sa EIGHTPERCENT (8%) PER ANNUM kung saan ang OFW ay pinakuha ng guarantor o kaya ay pinag-issue ng post dated check bilang seguridad sa pagbabayad ay pinagbabawal ng Republic Act. No. 10022 otherwise known as “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995,” at ito ay considered na “illegal recruitment“, as amended. Sinasabi sa Section