You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: Maricel Puertellano

Kahit Nasaan Pa

Maricel Puertellano

Kahit Nasaan Pa

Isa ako sa mga taong nangarap na makarating sa Canada. Sabi nila, pag narating mo ang lugar na ito, natupad na din ang mga pangarap mo. Kaya mula sa pagiging isang guro, lumipat ako sa pagiging caregiver upang subukan ang aking kapalaran sa pangingibang bansa.

Dahil mahirap makarating patungong Canada mula sa Pinas, ipinasya kong magtungo muna sa Israel ng magkaroon ako ng pagkakataon, upang doon muna manilbihan sa loob ng isang taon habang inaayos ko ang aking mga papeles patungo sa aking destinasyon..Noon punong puno ako ng pangarap, kay layo nang aking tinatanaw na pag asa.

Ilang ulit ka na bang nagmahal?

Maricel Puertellano

Ang buhay, mahirap hulaan. Mahirap iplano. Kahit na alam mo at sigurado kung saan mo gustong pumunta, hindi ka pa din makakaasa na dun ka talaga tutungo. Minsan nga, may mga bagay na hawak na sa iyong mga kamay pero nakakawala pa. May mga taong gusto mong makasama habang buhay pero naglalaho na lng na parang bula. Minsan mayroong akala mo hindi na mawawala sa iyo, may mga binitiwang matatamis na pangako. Pero sa paglipas ng mga araw, iiwan ka na lng ng bigla.

Ilang ulit ka na bang nagmahal? Ilang ulit nang nagtiwala, niloko, nasaktan at muling nagmahal? May mga panandalian. May mga tumagal man pero hindi naging panghabang buhay. Bakit ba ang hirap intindihin na minsan, simple lang ang gusto mo, ung magmahal at mahalin ka din ng totoo. Pero kung

Archive 2011 – 2012: Articles of Maricel Puertellano

  1. Pilipino, Saan Ka Patutungo? (Ang Kalayaan para sa isang OFW)
  2. A Night With FOWWA – Israel
  3. Featured Poetry: Walang paalam, kaibigan!
  4. Health and Beauty Tips With Olive Oils
  5. Ikaw Man Ay Isang Kasalanan
  6. Poetry: Nakagapos na Puso
  7. Essay: Pangako
  8. Essay: Si Bebeng..Kwentong OFW
  9. Essay: Kailan ka lalaya Kaibigan?

Pilipino, Saan Ka Patutungo? (Ang Kalayaan para sa isang OFW)


Pilipino, Saan Ka Patutungo?
ni Marizcelle Puertellano
aka Reina Emotera

Isang hibla ng buhay, kabanatang natapos,
Tila ang ba ang hininga, unti unting nauupos,
Ang pag asa at bukas, inaasahang lubos,
Sa paglipas ng sandali, unti unting nauubos.

A Night With FOWWA – Israel

The writer (2nd from Leff) with With FOWWA President Nilda Ramos (left), Mam Thess (3rd from left), Sam and other FOWWA Officers and Friends

The Filipino Overseas Workers Welfare Association is an organization in Haifa Israel that provides many services to the Filipino Community. The group is active in organizing different cultural activities, sports activities, fund raising, support for the sick and needy kababayan in and out of Israel. The group also conducts various outreach programs like medical mission, renewal

Featured Poetry: Walang paalam, kaibigan!

Ang araw ay dumating, oras na nang paglisan,
Luha’y unti unting dumaloy sa pisngi ng mga kaibigan,
Puso’y nalulumbay, kay hirap ng pagpapapaalam,
Kay hirap sambitin, ng puso’y hindi magdaramdam.

Sa tuwing aking mamamasdan, malungkot na mga ngiti,
Pilit na nagsasaya, damdami’y puno ng pagkukunwari,

Health and Beauty Tips With Olive Oils

By Courtesy/Barber

The qualities of olive oil have never been limited to the kitchen. Traditionally, olive oil was used throughout the Mediterranean area for medical and cosmetic purposes. Rafi Hadar, head consultant at Dr. Payot Cosmetics Israel, says that olive oil is rich in vitamins A, E, D and K and that the cosmetic

Ikaw Man Ay Isang Kasalanan

Nais kong damahin sa aking damdamin,
Marinig ang tinig mong tila naglalambing,
Ang rurok ng kalangitan ay aking marating,
Makamtan ang langit na sa yo lamang piling.

Bakit kay lupit, tadhana’y lubhang kay damot,
Damang dama ang pasakit, mga hapdi at kirot,
Sa damdami’y sumusugat, karayom na tumutusok,
Tanging pag ibig na inaasam, kay hirap maabot.

Essay: Pangako

“Sa bawat dolyar na tinatanggap ko mula sa aking mga paghihirap, sa mga sandaling nag iisa lamang ako at tanging anino lamang ang tanging mayayakap, sa bawat pisikal na karamdamang natatamo, sa bawat pagkutya ng mga tao sa paligid ko, sa pagyurak sa aking pagkatao, kapalit nito, isang kasiguruhang hindi mapapariwara ang buhay

Essay: Si Bebeng..Kwentong OFW

Isang registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang

Essay: Kailan ka lalaya Kaibigan?

Isang liham para sa OFW na walang nakikita, kahit dilat ang mga mata.

Ako’y nakatanaw. Pinagmamasdan ang bawat kilos mo’t galaw. Hindi ka mapakali, tuwang tuwang habang binibilang mo sa iyong mga palad ang salaping iyong pinaghirapan. Malamang sa isip ko, tuwang tuwa ang pamilya mong lagi nang nag aabang ng iyong

OFW sa Israel, nananawagan!

Kuya Robert Beltran Perandos

Alam po nating lahat ang trahedyang dumating sa ating mga kababayan sa Cagayan De Oro at sa Iligan City dulot ng Bagyong Sendong ilang araw bago ang kapaskuhan. Maraming mga buhay ang nasalanta, mga kabahayan at ari arian ang nasira, at ang masakit, marami pa din ang mga nawawalang kaanak ng mga biktima, at mga pamilyang pinipilit na kumapit sa napakaliit na pag-asang muling makikitang buhay ang mga mahal nila.  Isang nakakalunos  na karanasan  at  naka-kakilabot na

FilMoDHA Israel Report 2011


Ang FilMoDHA o Filipino Modern Day Heroes Association ay nag umpisa noong August 2011. Ito ay isang online organization na ang layunin ay maabot ang bawat manggagawang Pilipino sa Israel at makapag bigay ng mahahalagang impormasyon at tulong na kinakailangan ng iba pa nating mga kababayan.  Sa ilalim ng pagpapatnubay ni Kuya Joseph, nabuo ang grupong ito, unti unting nakakalap ng mga kasamahan, at ito ay naging aktibo ng pumasok na ang buwan ng Disyembre. Sa loob lamang ng isang buwan, may

OFWs…Away From Home With JESUS

The feeling of being alone, is the worst dilemma that an OFW could ever have from living away from home. This is the moment in one’s life that is characterized by deep loneliness, depression, and feeling of hopelessness. Having friends around sometimes is not enough to ease the pain of longing for the loved ones. Some of us OFWs,

Isang Minutong Smile Project ng mga OFWs sa Israel

Isang Minutong Smile Day na naman. Ilang mga kabataan na naman ang masisilayan ang matatamis na ngiti sa kanilang mga labi. Noong una, binabasa ko lamang sa blogsite ng aking kaibigan ang tungkol sa proyektong ito. Nakakagaan ng damdamin ang malaman na may ibang mga tao na nagmamalasakit at tumutulong sa mga kabataang kapuspalad. Matagal ko na ding gustong maging bahagi ng ganitong gawain, pero hindi ko alam kung paano

PAALALA MULA SA PHILIPPINE EMBASSY, TEL AVIV

Kamakailan lamang ay nagpalabas ng panawagan ang Philippine Embassy para sa mga Manggawang Pilipino sa Israel. Ang sumusunod na panawagan ay hango sa dokumento ng isang OFW at active officer ng Jerusalem Filipino Community na si Miss Anne JO Anna. Ito ay ipinalabas pagkatapos ng malawakang pagtitipon ng ilang grupo ng Manggawang Pilipino at ng Philippine Embassy sa Israel, sa adhikaing mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa bansang ito sa ilalim ng pamumuno ni Ambassador Generoso D.G. Calonge

PANAWAGAN

 1. Ang Philippine embassy po ay nag i-issue ng ID para sa mga manggagawang Pilipino dito sa Israel. Para sa mga kababayan dito sa Jerusalem, tinatawagan ko po ang atensiyon ng mga leaders o opisyal ng bawat